Chapter 12 - B (The Date)

29.6K 324 5
                                    

Chapter 12-B (The Date)

Michael‘s POV:

Biglang nagliwanag ang aura ng kanyang mukha at maniwala kayo sa akin, napakaganda niya. “A designer’s dress boutique. The boutique name is Fashionista” Masayang sabi nito. At nag-umpisa na nga siyang i-explain lahat ng mga plano niya. Napag-alaman kong hilig niya ang fashion designing at sa katunayan pa nga, nag-enroll pa siya sa U.S para actual na pag-aralan ang kursong ito. She loves sketching and charcoal painting too.

Wow.  Another first time in history. Ngayon lang ako nakipag-kuwentuhan sa babae ng mga ganitong bagay. Usually, kapag may kasama akong babae, sa kama agad ang diretso naming.

And you know what? I am beginning to like this. Ibang-iba ito sa nakasanayan ko. This is something new. At gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. She really fascinates me at nakakatakot ang ganitong uri ng pakiramdam. Dahil alam ko, pagkatapos ng gabing ito, nanaisin at nanaisin ko pa ring Makita at makausap siya.

  

So in the end, what happened was, we discussed everything professionally and close the deal officially. Nagkasundo kami na sa susunod na araw ay magkikita muli kami para sa signing of contract. 

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan, pagbibiruan, at pagbabatuhan ng kung ano-anong jokes. Sinubukan ko ring huwag ng isingit ang kagustuhan kong mai-take home siya ngayong gabi pero minsan talaga, hindi ko maiwasang birahan siya ng mga slutty lines ko. Ok naman sa kanya. Napapatawa ko naman siya. At isa pa, lagi naman siyang may pambara sa lahat ng sasabihin ko sa kanya.

Masyado kaming nalibang sa pagkukwentuhan kaya hindi na naming parehong namalayan na tumatakbo ang oras. Napasulyap siya sa relo niya.

“Oh, Past ten na pala. Gumagabi na Michael. Pasensiya na pero kailangan ko ng umuwi” sabi nitong sinabayan na ng tayo

 “Ganun ba? Hatid na kita. Saan ka ba nag-park?” sabi kong agad ding tumayo

  

Dinampot nito ang bag niya. “Sa lower level ng north wing” sabi nito

Nag-iwan ako ng pera sa mesa at naglakad na kami palabas patungo sa direksyon ng parking lot. Habang naglalakad kami, naisipan ko ulit siyang kulitin. Ang sarap kasi niyang asarin. Lagi siyang may sagot sa mga banat ko.

 “Sarah, see my shirt?.” Sabi ko in a serious tone, pinipilit kong hindi tumawa

 Ineksamin niya ang suot ko. "Yeah? what about that?" sabi niyang nakakunot noo

“Well, the material is good and one of a kind..." sabi ko habang parang tinatanggal ko ang lukot nito.

 "Really." sabi nitong pinasadahan ulit ng tingin ang suot ko.

 "You wanna know what kind of material is this made of?” tanong ko 

 “Ok,  what is it then?” tanong nito na parang natatawa na sa pinupuntahan ng usapan namin

 "Boyfriend material"  nakangisi kong sabi. 

 Natawa siya at hinampas ako ng malakas sa balikat sa dala niyang maliit na bag.

“You know what? Kumbaga sa babae, may pagka-bitch ka ano?"  sabi nitong tawa ng tawa. Natatawa akong kakamot-kamot sa ulo.

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon