Chapter 9 (The Wandering Boss)

62.3K 522 28
                                    

Chapter 9 (The Wandering Boss)

Ganito ang usual routine ko kapag naka-duty ako dito as Mall. Sinisiguro ko na at least twice a week nagkakapag-roving sa loob. Kahit naman may pagka-babaero ako, isa ito sa mga traits na maipagmamalaki ko. Ang dedikasyon ko sa trabaho para sa lalong ikaka-uunalad ng kumpanyang pinaghirapan ng Dad ko. Ginagawa ko ito just to check everything out at minsan, para na rin makapag- unwind ng kaunti.

Napansin kong marami na ring pagbabago sa Global mula ng ako ang mamahala nito. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sunod-sunod kasing renovations ang ipinagawa ko para mapantayan ang mga ka-kumpetensiyang Mall. Ayaw ko kasing mapag-iwanan sa Mall na ito. Marami pa akong pangarap para rito, katulad ng makapag-patayo ng panibagong branch nito.

   

Habang nagro-roving, bigla kong naisipang dumaan sa isang paborito kong boutique ng relo. Magkakahanay naman ang mga boutique ng relo dito sa loob kaya talagang malilibang ka kahit window shopping ka lang. Papasok na sana ako sa RADO boutique ng mapansin ko ang pamilyar na mukha ng isang babaeng. Biglang lumundag at puso ko sa tuwa kasabay ng pagsilay ng makahulugang ngiti sa aking mga labi.

“Tignan mo nga naman kapag sinuswerte ka. Small world. And this this time I won’t fail. It’s show time baby!” excited na usal ko sa aking sarili

  

Maingat akong lumapit kinatatayuan ng babae. Busy na busy siya sa kakatingin ng mga Rolex Watches. Halatang gustong-gusto niya ang isang hawak niya na relo. Ng medyo makalapit na ako, para namang nakakita ng multo mga empleyado ng boutique ng makilala nila ako. Hindi tuloy nila mawari kung papaano ang ikikilos nila. Approachable naman akong tao kaya minsan hindi ko maintindihan kung bakit nai-intimidate sa akin ang ibang mga empleyado ng Mall. Hindi ko naman sila masisisi, afterall, ako pa rin ang may-ari ng Mall.

 “Good morning Sir!”Magkakasabay na bati nila

 Tinanguan ko sila at nginitian bilang ganting pagbati. At si Sarah, busy pa rin siya sa pagche-check ng hawak niyang relo, hindi man lang siyang nag-atubiling lingunin kung sino ang dumating. Ngiting-ngiti pa niya ito isinukat.

Smiling, I stood next to her. Isang gold-plated watch ang isinukat niya. Ngiting-ngiti akong naki-usyoso at nakitingin sa relong nakasuot sa kamay niya.

 “It’s beautiful” sabi niya ng pabulong

  “Yes, It is” pagsang-ayon ko ngunit sa kanya ako nakatingin at hindi naman sa relo.

 Her face suddenly turned bright red. Pulang-pula siya ng parang kamatis ang mukha niya. And you know what? She looked even beautiful when blushing. Para ngang lalo siyang gumaganda kapag nagba-blush.

 “Hi, we meet again.” Sabi kong hindi inaaalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Natawa ako ng takang-takang napalinga-linga pa siya sa  paligid niya. Nang masiguro niyang wala namang ibang tao sa loob ng boutique kung hindi kami lang…

 “Were you talking to me?” naka-kunot noong tanong niya

 Tumawa ako ng bahagya. “Yes sweetie. Isn’t that obvious? As I said we meet again. For the 2nd time. Today.” May conviction na sagot ko sa kanya.

Lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng noo niya. “Second time? How come?” Tanong niya sabay baling sa sales representative ng boutique.

 “Miss, babalik na lang ako some other time. Medyo sumama kasi ang hangin dito eh” pagpaparinig niya sa akin pero genuine naman ang pagkaka-ngiti niya sa babae.

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon