Chapter 17 (Picture of Michael & Sarah - "On Michael's POV"-1)

55.8K 410 9
                                    

Chapter 17 (Picture of Michael & Sarah – “On Michael’s POV”-1)

I’ve been very busy for the past few days, but that doesn’t mean I wasn’t thinking about Sarah.

Damn it.

Am I on Sarah’s spell or something? Bakit hindi ko siya mabura sa aking isipan kahit saglit man lang? Call it absurd, ngunit sa mga nakalipas na mga araw, sinisiguro kong lagi akong nagte-text sa kanya. At bakit ko nga ba ito ginagawa? Isa lang ang dahilan, nais kong maramdaman niya ang presence ko kahit na hindi kami nagkikita.

I know, I am not her boyfriend or something, but who cares? I want to do these and I love doing all these silly things for her.

Good news is, medyo stable na ang sitwasyon sa bagong Global Mall na kasalukuyang itinatayo dito sa isang bayan sa Pampanga. Kaya naman maaari na akong bumalik Maynila ngayong araw na ito.

At isa lang ang ibig sabihin noon, magkakaroon na muli ako ng oras upang makipagkita kay Sarah.

God, how I missed her.

I just hope she missed me too. But what if she doesn’t? Paano kung ako lang pala ang may ganitong nararamdaman para sa kanya? Paano kung wala naman pala siyang pakialam sa akin? Napakasakit naman noon kapag nagkataon.

Nafru-frustate akong naisuklay ang mga daliri ko sa buhok ko.  Time Check: 2:30PM.  Sa kalkula ko, mga trenta minuto mula ngayon, makaka-biyahe na muli ako pabalik ng Maynila. Habang inihahanda ko ang mga kakaunti kong gamit, naisipan kong tawagan si Sarah. But I stopped and thought about the idea for a second. Why would I call her? Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

Shit.

Hindi talaga ako sanay gawin ang mga ganitong bagay para lang mapansin ng isang babae.

Nag-aatubili man, I still grabbed my cellphone and dialed her number excitedly. Swerte namang tatlong ring at sumagot kaagad siya.

“Hi” she answered breathlessly.  

Pakiramdam ko lumundag ang pesteng puso ko. Jesus! Tinig pa lang niya ang naririnig ko na e-excite na ako, paano pa kaya kung kaharap ko siya ngayon? Wait, anong sasabihin ko? Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan namin.

“Yes? Michael? Still there?” untag nito sa akin na ikinagulat ko ng husto.

 “Uhhh, Yeah, Ummm, H-Hi Sarah” I said rambling. Natapik ko ang noo ko sa sobrang inis sa sarili ko. Magpaka-lalake ka nga Michael! Bulyaw ko sa sarili ko.

“I-I uhhh, just, I mean, A-Are you free tonight?” I stuttered. Ngayong mga sandaling ito, gusto kong pagsusuntukin ang sarili ko hanggang sa mahimasmasan ako.

Bwisit, bwisit, bwisit!

Bakit ba hirap na hirap akong magsalita? Kailan pa ako natutong matameme sa isang babae? You wanna know when idiot? Simula noong makilala mo si Sarah! My subconscious mind is talking to me!

Natahimik siya sa kabilang linya. Wala siyang sagot, mga mahihinang paghinga lang niya ang tanging naririnig ko. Takte. Mapapahiya yata ako. Ilang Segundo pa ang lumipas…

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon