Kabanata 20

14.4K 460 48
                                    

"I KNOW your mother very much, Laura."

Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.

"Ang m-mama ko po? Paano po?"

"Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang 'yong ina." Kumunot ang noo niya. Mahalin? Bakit? "Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko 'yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing 'yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine."

"H-Hindi ko po kayo maiintindihan..."

"Nakilala ko ang 'yong ina sa isang bar. Kamukhang-kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that bar that night. She caught my attention immediately. May ngiting lumapit siya sa akin at kinausap ako. Her dress is the same as other women in that bar. But still, there was something different about her that made me calm inside."

"My mind has been preoccupied for the past few weeks that day. I was married – arranged marriage. We had one son, Liam. I tried to make our marriage work kahit na madalas kaming hindi magkaintindihan at nag-aaway. Nang makilala ko ang ina mo, may matindi kaming away noon ng asawa ko. She was the only person who sat beside me and asked me, kung bakit malungkot ako. I knew instantly that she was not flirting with me, rather, her question felt like, she was there for me as a friend, instead of warming my bed that night."

Alam niyang minsang nagta-trabaho ang nanay niya sa isang bar noon sa Maynila. Doon din nakilala ng mama niya ang kinalala niyang ama. Pero kailanman ay hindi nabanggit ng ina niya ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Sa tuwing sinasaktan siya ng kanyang ama ay inihaharang nito ang sarili para sa kanya. Malinaw pa sa mga alaala niya ang nakangiting mukha ng ina kahit sinasaktan ito ng tatay niya. Ang mga luhang nauubos nito sa gabi noong inaakala nitong tulog na siya.

Ang mama niya na ang pinakapositibo at pinakamalakas na babaeng nakilala niya. Ni minsan, hindi niya ito nakitaan ng kahinaan sa harap niya. Lagi itong nakangiti habang inaalagaan siya. Pinupunan nito ng pagmamahal at matamis na yakap ang mga bagay na 'di nito maibigay sa kanya.

Sa likod ng matamis nitong ngiti, nakatago ang sakit at pagod sa puso nito. Kaya sa tuwing naalala niya ang namayapang ina ay hindi niya mapigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa kanyang mga mata. Tila punyal sa puso niya ang alaala ng kanyang ina. Hindi niya matanggap na ganoon kalupit ang tadhana rito sa kabila ng kabutihan nitong ipinakita sa mundo.

"Nakinig siya sa akin na tila ba isang kaibigan. Ramdam na ramdam ko ang senseridad ng mga kilos at mga sinasabi niya sa akin. She was my angel that night." Hindi niya mapigilan ang mga luha. Kitang-kita niya sa mukha at mga mata ni Mr. Go ang saya habang ikinukwento ang tungkol sa mama niya. Sumilay ang isang masuyong ngiti sa mukha nito. "Laurine took the pain away in my chest. She was able to make me feel better. And after hearing her story, mas lalo akong humanga sa kanya. Your mother was a fighter, Laura. Her positivity in life made me realize a lot of things... and how blessed I was. She had nothing, but still, she faces life as if she owns the world and she has all the power in the palm of her hands."

"Laura." Inabot nito ang kanyang isang kamay. "I'm sorry. Patawarin mo sana kung hindi ko agad nalaman ang tungkol sa'yo. Patawarin mo sana ako dahil kinalimutan ko ang 'yong ina. Patawarin mo ako kung hindi ko naibalik sa kanya ang tulong na naibigay niya sa buhay ko." Nangilid ang luha sa mukha nito. "Anak, patawad."

Ramdam na niya ang paninikip ng dibdib kanina pero nang marinig niyang tawagin siya nito ng anak. Mas lalo yatang sumikip ang dibdib niya sa pagpipigil na maiyak. Hindi niya maintindihan ang sarili. Saya. Takot. Pagkalito. Lahat ng 'yon ay sabay-sabay na yumakap sa buong puso niya.

HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETEWhere stories live. Discover now