Kabanata 1

20.2K 540 48
                                    

NAAASIWA at hindi pa rin nasasanay hanggang ngayon si Laura sa tuwing tini-table siya ng mga VIP customers nila sa bar na 'yon. Mag-iisang taon na siya sa Off Lights Night Bar na pagmamay-ari ng Tiyang Esme niya. Bata pa lamang siya ay alam na niya ang maruming trabaho ng tiyahin niya sa ama.

Umuuwi ito sa Cebu para kumuha ng mga inosenteng babaeng maibubugaw nito sa Maynila. Hindi niya rin masisi ang mga kasamahan niya sa bar na kunin ang trabaho. Malaki na ang tip kahit tini-table lang. Pero mas malaki ang bayad kapag inuuwi sila ng customer. Isang bagay na hindi niya pa kayang gawin ngayon – ang mailabas at maikama.

Hindi niya gusto ang trabaho niya. Araw-araw umiiyak siya sa kamiserablehan ng buhay niya. Kung maari ay pwede naman siyang humanap ng mas matinong trabaho sa Cebu. Hindi dahilan iyon para pasukin niya ang trabahong iyon. Pero ginawa siyang pambayad ng kanyang ama sa malaking utang nito sa Tiyang Esme niya. Wala siyang magawa dahil sa pagbabanta ng Hapon na asawa ng Tiyang Esme niya.

Kapag hindi pa nabayaran ng tatay niya ang sengkwenta mil na utang nito ay kukunin nito ang natitirang lupa nila kung saan nakatayo ang bahay nila at maaring higit pa doon ang magawa ng Hapon sa kanila. Hindi basta-basta ang asawa ng tiyahin niya at sigurado siyang ano mang oras ay makakaya nitong gawan sila nang masama. Hindi ito kumikilala ng kahit sino lalo na kung malaki ang atraso ng tao rito.

Ngayon, mahigit isang daang libo na ang utang ng ama sa tiyahin niya dahil na rin sa palaki na palaking interes na idinadagdag sa inutang nitong pera. Nang lumuwas siya ng Maynila ay tanging sengkwenta pesos na lamang ang natira sa pitaka niya. Kung hindi libre ang kain at tirahan niya ay baka sa gilid na lamang ng daan siya pupulutin.

Sa tuwing naalala niya ang ama ay kulang na lamang ay isumbat niya rito ang mga sakripisyo niya sa pamilya nila. Kulang ang maraming sampal para ipamukha rito kung gaano ito ka walangkwentang ama. Lahat ng perang iniipon niya sa maintenance ng gamot ng sampung taong gulang niyang kapatid na si Lawrence ay napupunta sa sugal at sabong nito.

Gusto niyang sumigaw at isisi ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay nila rito. Kung bakit ito pa ang naging ama nila? Pero hindi niya magawa dahil kay Lawrence. Kapag umalis sila ng bahay ay wala rin naman silang matutuluyan. Wala na silang ibang pamilya sa Cebu. Tanging ang tatay na lamang nila ang pamilya nila. Walang mag-aalaga sa kapatid kapag nasa trabaho siya. Kailangan pa rin nila ang tatay nila kahit ganoon ito ka walangkwenta.

Bago siya umalis, nangako itong itutuloy ni Lawrence ang gamutan nito gamit ng perang ipapadala niya. Diskumpyado man ay pumayag na rin siya. Kung totoo mang malaki ang makukuha niyang sahod ay baka ito na ang solusyon para maging tuloy-tuloy na ang pagpapagamot nila sa kapatid.

Mabigat man sa loob pero kailangan niya munang pagkatiwalaan ang ama at iwan ang kapatid sa pangangalaga nito. Kaya sa tuwing may tumi-table sa kanya ay iniisip niya ang kapatid. Tinitiis niya lahat ng nakakadiring hawak at himas ng mga matatandang lalaki na pumupunta sa bar na 'yon. Iniisip niyang makakatakas rin siya sa sitwasyon niya at makakaipon ng malaking pera para sa kanilang dalawa ng kapatid. Kapag nagawa niya 'yon, makakaalis rin silang dalawa sa poder ng ama at sa trabahong ito.

Kahit ganoon, hindi naman masasabing cheap ang night bar ng tiyahin niya. Marami silang customers na mayayaman at may sinasabi sa buhay. Kung titignan ito sa labas ay mukha itong high class restobar. Kapag pumasok ka ay parang simpleng restobar lang ito na may make shift stage at may mga bandang kumakanta. Pero lingid sa kaalaman ng iba, may sekretong pintuan sa likod ng stage na magdadala sa mga exclusive VIPs nito sa totoong pinapatakbo ng tiyahin at ng asawang Hapon nito.

May mga VIP rooms sa likod ng restobar kung saan malayang gawin ang kung ano. My bar lounge din para sa mga bagong customer na gusto lamang maka-table ng isang babae. Kompleto rin ang amnesties ng mga VIP rooms. May flat screen TV, music, kama at mga pagkain na dinadala ng mga waiter na mga babae na bagong salta lamang sa bar.

HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETEWhere stories live. Discover now