Kabanata 8

12.9K 492 69
                                    

PAGPASOK na pagpasok pa lang ni Laura sa Mind Creatives ay hindi na niya mapigilan ang sarili na mamangha. Ito ba 'yong kompanya ni Mykael? Sa pagkakaalala niya ay parehong ipinundar 'yon nila Rave at Mykael pero ibinenta na ni Rave ang lahat ng shares nito kay Mykael kaya ito na ang nag-iisang may-ari ng Mind Creatives.

Mukhang pinag-isipan nang mabuti ang bawat detalye ng loob ng building. Kung titignan sa labas ay parang simpleng gusali lamang 'yon pero dadalhin ka naman ng gusaling 'yon sa ibang mundo sa oras na pumasok ka sa loob.

Sa lobby pa lang ng Mind Creatives ay litaw na litaw na ang creativity ng mga taong nagtatrabaho roon. May malaking lighted signage ng Mind Creatives sa likod ng reception counter. Sa ibaba nun ay may naka caption na 'WELCOME LIVING THINGS' na tila nakasulat sa ibang linggwahe pero kayang-kayang basahin ng mga mata. Napa-wow siya roon. Sa harap naman ng reception counter ay malaking cursive written lighted cut out words na CAPTCHA. 'Yon ba 'yong sa internet na nagpa-pop-up at tinatanong kung robot ka ba o hindi? Kaloka rin 'tong reception area nila Mykael. Diskumpyado pa.

Kalahati ng lobby ay ang visitor's lounge kung saan tila abstruct painting ang pagkakaayos ng mga iba't ibang kulay ng mga upuan at mesa. Nakaagaw sa atensyon niya ang kakaibang flower vase na naka display sa itaas ng mga mesa. Nakapatong sa isang spiral standee na tila wire ang isang transparent na light bulb. Sa loob nun ay tubig at iba't ibang klase ng mga bulaklak. Wow!

"Ang ganda rito Rave," komento niya habang nakasunod kay Rave.

Kahit na ang hallway ng building ay punong-puno ng mga naiibang design na hindi niya inakalang magdadala nang sobrang saya sa kanya. Iba ang hatid ng mga makukulay na pader at mga desinyo sa kanya. Hindi opisina ang tingin niya sa lugar kung hindi ibang mundo. Isang mundo na malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo.

"Parang ang sarap magtrabaho rito." Napansin niya rin na hindi lahat naka formal attire. May iba na naka shorts at t shirt lang. May naka pajama pa at naka bunny slippers. Ang galing!

"Of course!" Natigilan siya nang biglang sumulpot sa kung saan si Mykael. Teka, saan ito dumaan? Ngayon niya lang rin napansin na tila illusion room ang pasilyong 'yon. Dios ko, sino ba ang nag-isip ng mga interiors? "Mind Creatives is one of the best advertising and marketing company in the Philippines," malaki ang ngiti at proud na sabi ni Mykael sa kanila. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "This year, we're venturing to supporting indie music and films. I know, I'm great."

"Nagbubuhat ka na naman ng building Mykael," ungot ni Rave sa kaibigan nito.

Malakas na tumawa lang ito. "Tanggapin mo na lang kasi Rave na creative genius ako. Many known brands wants my skills but my team needs more time for themselves. I wouldn't stake their human lives no matter how boring it us just for money. Balance in work is more important. Right, Laura?"

Tumango siya. "Tama, may hiring ba kayo? Kahit assistant lang or 'di kaya janitor –"

"Enough." Hinawakan ni Rave ang pupulsuhan niya. "We still have to do something," dagdag nito sabay hila sa kanya. "Where's Kevin?"

"He's on his way."

"Peter called, he'll be coming, may sasabihin din daw siya sa akin."

"Magandang idea ba na magkita sila Peter at Kevin?"

"Matanda na sila para mag-away."

"Hindi ba magkasundo sila Peter at Doc Kevin?" tanong niya kay Mykael.

"I did a research, nag-away ang dalawang 'yon dahil sa isang babae."

"Ahh." Tumango-tango siya. "Ang ganda siguro ng babaeng 'yon."

HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETEWhere stories live. Discover now