Kabanata 4

12.8K 528 39
                                    

SUNOD-SUNOD na sampal at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang-hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng hapon sa kanya.

Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.

"Akihiro-san!" boses 'yon ng kanyang tiyang. "Tomete kudasai! Please stop."

Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.

"Kuso! Mister Satoshi is an importang customer." Sigaw ng hapon sa matigas nitong Ingles. "Laura should do her job well. She already did it with a man. Why can't he do it again?! Talk to your niece, Esme. She embarrassed me with our VIP guest. She better makes up her mind or else," tinignan siya nito nang matalim. "You wouldn't see your family again!"

Lalo lamang siyang natakot sa pagbabanta ng Hapon. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Pati ang pera na nakuha niya mula kay Rave ay nawala na lamang na parang bula nang itakbo 'yon ng kanyang ama. At ngayon, pinipilit pa siya nitong makipagtalik sa VIP nitong Hapon. Nanlaban siya kanina kaya gulpi ang nakuha niya mula sa dalawang Hapon. Gulong-gulo na ang isip niya sa mga problema. Hindi niya alam kung na paano na ang kapatid sa Cebu. Gustong-gusto na niyang umuwi.

"Can't we give another woman for Satoshi-san? We have a lot of women who can fill Laura's place and can give her pleasure -"

"Iie! Satoshi-san only wants Laura. Both of us will be dead if we can't give Laura to him. So you better talk to her." Turo sa kanya ng Hapon. "Doke!" Muli itong nagmura sa sariling linggwahe nito bago marahas na itinulak ang tiyahin niya at dire-diretsong lumabas ng silid.

"Laura," mabilis na dinaluhan siya ng kanyang tiyahin. Iyak na lamang siya nang iyak. "Laura, hija. Tumayo ka riyan." Sinubukan siya nitong patayuin pero wala na siyang lakas para gawin iyon. Hindi na niya maramdaman ang sariling katawan. Tila namanhid na iyon sa bugbog. "Laura," gumaralgal ang boses nito.

"P-Pagod na pagod na ako tiyang." Pabulong na niyang iyak. "H-Hindi ko na alam ang g-gawin ko. A-Ang kapatid ko. H-Hindi ko na a-alam... h-hindi ko na alam kung makakaya ko pang maipagamot si Lawrence. L-Lahat ng pera na pinadala ko..." halos humagulgol na siya ng iyak. "Lahat ng 'yon ay itinakbo ni tatay."

Niyakap siya nito. "Laura, lakasan mo ang loob mo. Kailangan mong maging malakas para sa kapatid mo."

"G-Gusto ko. G-Gustong-gusto ko pero 'di... 'di... ko alam kung paano? Binigo ko si Lawrence. Binago ko siya tiyang."

"Tumayo ka Laura." Mariing utos nito. "Kailangan mong ibalik ang lakas mo. Kailangan mong balikan ang kapatid mo sa Cebu. Kailangan mong makatakas sa lugar na ito." Hinawakan nito ang mukha niya at pilit na hinuli ang kanyang tingin. "Makinig ka sa akin Laura. Tutulungan kitang makatakas dito. Pero kailangang tulungan mo rin ang sarili mo."

HINDI na alam ni Laura kung anong oras na nang mga oras na 'yon. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba at takot. Yakap-yakap niya sa dibdib ang malaking bag niya kung saan naglalaman ang mga gamit niya. Kailangan lamang niyang malakabas sa lugar na iyon.

Iika-ikang naglakad siya at nagtago nang mamataan niya ang grupo nila Melody. Naalala niya ang pag-uusap nila ng tiyahin niya.

"Tandaan mo Laura. Kahit anong mangyari. Huwag na huwag kang lilingon. Kahit anong marinig mo. Huwag na huwag kang bumalik sa loob. Tumakbo ka lang nang tumakbo. Naiintindihan mo ba ako?"

HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETEWhere stories live. Discover now