CHAPTER 5

297 9 4
                                    

**

Thirdpersons POV

Pumasok si Kent sa kwarto ng kanyang anak. Sinadya na talagang ipagawa ito para sa kanyang oniko ijo. Dahan-dahan inilapag ni Kent ang kanyang anak na mahimbing na mahimbing na natutulog. Nakatulog na kasi ito sa byahe.

Si Avy naman tinulungan ni aling Matelda, ang katulong nila at ni mang luis na driver ni kent, na dalhin yung mga maleta sa loob ng room nila Kent.

"Maraming salamat sa pagtulong sa akin manong luis at aling Matelda."

"Ay nako ija walang anuman." Natutuwang sabi sa kanya ni mang Matelda.

"Masaya kami ija at sa wakas umuwi karin." sabi ni mang luis.

"Alam mo bang sobra kang na miss namin." Sabi ni aling matelda.

"Na miss ko rin po kayo, at nahihiya po ako sa inyo dahil sa umalis po ako ng walang paalam. Sorry po talaga."

"Ay nako ija hindi mo kailngan humingi ng tawad." Sabi ni aling matelda.

"Alam naman namin na may malaking dahilan ka at nagawa mo yun." Sabi ni mang luis.

"Sige ,lalabas mo na kami baka pumasok na si kent." Ngiting paalam ni mang luis na parang may ipinapahiwatig.

"Oo nga ija, usap nalang tayo bukas sa ngayon magpahinga ka na mo na alam naming pagod kayo sa byahe." Pag-aagree naman ni aling matelda.

"Sige Po." Ngiti ko namang tugon.

Pagkalabas nila aling matelda inilibot kaagad ni avy ang kanyang paningin sa buong kwarto nila Kent, halos limang taon naring hindi niya nakita ang kwarto at di niya ipagkakailang na miss niya ito. Pero napagtanto niyang ibang-iba na ito. Ang dating kulay sky blue na wall ay naging itim. Iba narin ang decorations nito.

"You're not gonna sleep here." Walang emosyong sabi ni Kent na nagpagulat kay avy.

Kinuha nalang ulit ni avy ang maleta niya at balak niya sanang doon nalang sa masters bedroom mag e-stay.

"You're room is in the storage." Walang tinging sabi sa kanya ni Kent.

"Huh?"
Tumingin si Kent kay Avy ng walang kahit na anong emosyong.

"If you don't want to sleep there, then you are free to go out in my house." Naghubad naman si Kent ng pang-itas at umiwas kaagad ng tingin si Avy. Kumuha ng sando si Kent at isinuot ito.

"Ah.. ay nako ok lang sa akin doon."

***

One week later

"Mama, why did daddy let you wear that dress whenever we are going to the school?" Takang tanong bata habang inihahatid sila ni manong Luis sa school.

"Kasi anak, ahmm.. I really look like beautiful in the eyes of your father if I will wear this."Pagsisinungaling ni Avy sa anak.

"But why did my classmates told me that you are a maid because you are wearing that dress." Takang tanong ng bata.


"Aah eh kasi anak, ooh we're here na pala anak." Pag-iiba ni Avy sa usapan dahil wala na siyang maisip na dahilan. Si manong Luis naman nalulungkot dahil sa trato ni Kent kay Avy. Sa one week na pinamalagi ni avy sa buhay ni Kent. Malamig pa sa yelo ang trato ni Kent dito.

Pagpasok ng kanyang anak sa loob ng classroom nito. Bumalik rin kaagad sila ni manong luis sa bahay dahil magbabakasyon pa ito sa probinsya nila kasama ang asawa niyang si matelda. At isang buwan rin sila doon.

Loving My Gay Turn to be A Monster HusbandKde žijí příběhy. Začni objevovat