Chapter III

303 14 6
                                    

****

AVY'S POV


Halo-halo na ngayon yung nararamdaman ko sa muling paghaharap namin ni Kent for almost five years na hindi ko siya nakita. Hinayaan ko na sya sa kong sino at kung anong gusto niya sa buhay at napatawad ko na sana siya. Pero sa ginawa niya ngayon mas lalong lumaki ang puot na nararamdaman ko ngayon sa kanya.

Throwback five years ago

Ilang araw naring palaging busy si Kent sa company nila. Parating hating gabi na siya kung umuwi at madaling araw naman siya umaalis. May problema daw sa kumpanya nila kaya iniintindi ko nalang. Awang-awang na nga ako sa mahal ko dahil parating pagod tuwing dumadating. Papunta ako ngayon sa opisina niya para dalhan siya ng pangtanghalian. Surprise ko sana sa kanya para kahit ito man lang yung pwede kung gawin sa mahal ko. Ehahatid sana ako ni manong Lardo yung driver namin pero I insisted. Na miss ko na kasing mag commute. May bigla namang nagtext kaya kaagad ko kinuha yung phone ko sa bag. Baka si mahal nato. Excited kong binuksan yung message. Pero para akong pinagbaksakan ng mundo nang makita at mabasa ko ang message. At hindi ko napigilang umiyak.

Unknown number:

She never loved you cause all of these years his heart is always mine.

(Photo behind with Kent and Neil kissing)

Biglang nanglabo ang paningin ko and all of a sudden nawalan ako ng malay.

"Buti po at nagising na po kayo." Bati sa akin ng isang babae na sa tingin ko ay nasa 25 pa ang edad.

"Nasaan Ako?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa hospital po tayo. Ay nga po pala, ako po si Laura. Ako po ang nagdala po sa inyo dito sa hospital dahil nawalan po kasi ikaw ng malay sa bus."

"Ba-kit raw ako nawalan ng malay?" Umupo naman ako at inilalayan naman ako ni Laura na makaupo.

"Buntis po kayo ng five weeks pero sad to say mahina ang kapit ng bata kaya kailangan mong mag-ingat. At sabi pa ng doctor iwasan mong ma stress dahil bawal na bawal to sayo. Isang maling galaw mo lang baka mawala sayo ang bata. At mamaya pwede na po kayong makalabas." Ngiting niyang tugon.

Masaya akong may munting angel ngayon sa sinapupunan ko. Ito sana ang pangarap naming dalawa at ang ipinagdasal namin sa diyos na magkaroon ng anak at maging masayang pamilya pero sa ginawa niya, di ko na alam kung mangyayari pa iyon. Di ko lubos maisip na magagawa niya sa akin ito. Tuwa, galit, halohalo na lahat pero ang alam kong sigurado ako ngayon ay ang ayaw kong mawala ang munting angel na nasa sinapupunan ko ngayon.

" Aah miss ok ka lang?" Concern niyang tanong.

Di ko namalayang may tumutulo na palang luha mula sa mata ko. Kaagad ko naman itong pinunasan. "Nako ok lang ako, sobrang tuwa ko lang dahil sa wakas magkakaanak narin kami." Pilit kong ngiti sa kanya.

"Ganun ba! Sigurado matutuwa ang asawa niyo niyan, aah ano pala pangalan mo miss?"

" Aah Avy pala, maraming salamat pala Laura sa pagdala mo sa akin dito. "

"Nako walang anuman po! Ay nga po pala gusto niyo po bang tawagan natin ang asawa mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Ha? Ay nako wag na Laura, Esusurprise ko nalang yung asawa ko." Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit.

****

Umuwi ako sa bahay namin ni Kent and I acted like nothing happened, na di ko alam ang kataksilang ginagawa niya. Pero ang totoo'y pinaprocess ko na ang mga papeles ko paalis ng bansa. Hindi ko na siya kinumpronta kahit na gustong-gusto ko itong gawin at ipamukha sa kanya ang ginagawa niyang kataksilan pero di ko ginawa dahil baka ito pa ang maging mitya ng pagkawala ng aking anak sa aking sinapupunan at yun ang hinding-hindi ko makakayanan.

Loving My Gay Turn to be A Monster HusbandWhere stories live. Discover now