Chapter 12

106 3 1
                                    


***

" Arggh! Sakit ng ulo ko." Inda ni kent habang nakahawak sa ulo.

"Hay nakong bata ka. Paano nalang kung hindi ko kayo naabutan ni Cristy kagabi?" Sabi ni mang luis habang umiinom ng kape kaharap si kent.

" Oh ito inumin mo para mawala yang hangover mo." Inilapag ni aling matelda Kay kent ang isang bowl ng mainit na sabaw ng baka.

"Salamat aling matelda."

"Iho, hindi man kami ang mga magulang mo pero alam mo naman na tinuring ka naming anak. Kaya concern kami sa mga nangyayari sa buhay mo. Hindi namin to natanong sayo dati dahil di rin kami makachempo pero.. talaga bang wala ka ng natitirang pagmamahal Kay avy?" Tanong ni aling matelda na ngayon ay katabi na ni mang luis nagkakape.  Medyo nabigla si kent sa prankang tanong ni aling matilda.
"Alam mo iho. Bilang babae sobrang sakit ng ginawa mo Kay avy. Kaya di na ako nagtaka kung bakit umalis siya, bilib nga ako sa batang Yun dahil natagalan niyang Kasama ka na may iba. kahit naman ako ang nasa sitwasyon ni avy eeh talagang aalis ako. Makita ko ba naman yung Asawa ko na may ibang kalandian sa loob ng pamamahay naming. Nako iwan ko lang kung anong magawa ko sa kanila."

"At never ever Kong gagawin yun sayo  langga." Sabat naman ni mang luis sa kanyang mahal na asawa sabay hawak sa kamay nito.

"Alam ko yun langga." Ngiti tugon ni aling matelda." Pag ginawa mo ang ginawa nitong alaga natin, nako wag kanang magpakita sa akin."

"Ano ka ba, never ever ever ever kung gagawin ang ginawa nitong alaga natin. Pakiss nga. " Ngumuso pa si mang luis sa kanyang Asawa.

"Ay nako langga, tigiltigilan mo nga ako. Pinangangaralan natin tong alaga mo eeh."

"Aay oh ngapala." Bahagyang napangiti si kent sa kanilang dalawa. Ibinaling muli ni aling matelda Ang kanyang atensyon Kay kent.

" Iho, kent. Sa tuwing nakikita ko si avy na umiiyak dahil sayo, damang dama ko Yung sakit na nararamdaman niya at di niya deserve yun. At ito pranka Kong sasabihin sayo. Hindi ako natutuwa sa ginawa mo. Minsan nga napaisip kami kung Ikaw pa ba ang kent kyrus noble na nakilala namin dahil sa mga pinanggagawa mo Kay avy." Seryosong sabi ni aling matelda

"Hindi purket iniwan ka niya dati at inilayo sayo ang inyong anak, may karapatan kanang saktan o paglaruan ang feelings niya ng ganun. Alam namin na sobra karing na saktan sa pag-iwan ni avy sayo, pero alam mo na naman kung bakit inilayo niya sayo si JC noong mga panahon na yun, Diba? ." Litanya ni mang luis.

"Alam namin iho, na ginagamit mulang yung si Cristy para saktan ang feelings ng Asawa mo, para makapaghiganti." Sabi ni aling matelda.

"Ngayon, kung Wala ka na talagang pagmamahal na natira dyaan sa puso mo para Kay avy. Kung tuluyan ng napalitan ng puot yung pagmamahal na yun. Palayain mo siya. Pariho lang kayong magiging miserable kung patuloy kayong magsasama. At si JC ang sobrang magiging kawawa." Litanya ni mang luis.

 
"Iho, kahit itanggi mo man pero alam kung mahal mo pa si avy. Hindi mo ba na isip na, binigyan ka nang pagkakataon ng diyos na muling buohin ang pamilya niyo. Muling makasama at magkaroon ng masayang pamilya." Litanya ni aling matelda.

"Iho, wag mung hayaang muling mawala ang asawa at anak mo sayo. Kung patuloy mo pang ipagpapatuloy ang paghihiganti Kay avy, baka magising ka nalang isang araw na huli na ang lahat. "  Litanya ni mang luis.

Hindi na kayanan ni kent Ang kanyang emosyon. Tumulo ang kanyang mga luha sa harap ni aling matelda at mang luis..

"Yeah! Mahal ko pa siya." Bahagyang ngumiti habang pumapatak ang mga luha ni kent. Napangiti naman ang mag-asawa sa tugon ni kent.
"Mahal na mahal. I don't want to lose avy and my son again. But I don't know what to do to get back my family. Nagpadala ako ng galit Kay avy and now I don't know if she will forgive me for all what I've done. At worst baka nahulog na ang loob niya ng tuluyan Kay drake."

" Iho, marami pang paraan upang mabawi mo ang iyong mag-ina." Litanya ni aling matelda.

" Ikaw parin ang mahal ni avy sigurado kami Doon." Pag-aasure ni mang luis sabay tingin sa kanyang asawa.

****

😁 Sinsya po ngayon lang nakapag update.

Loving My Gay Turn to be A Monster HusbandWhere stories live. Discover now