Chapter 30

2.4K 61 12
                                    

REESE

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak ang kanang bahagi nito. Marahan ko itong hinilot pero hindi nabawasan ang sakit. Bukod sa sakit ng ulo, naramdaman ko ang bahagyang pagkulo ng tiyan ko. Tumingin ako sa relo. It's past 4PM. Kaya pala. I skipped two meals. Maghapon na naman akong tulog. Malamang hinayaan akong matulog ni Nanay Myrna kasi iyon ang bilin ko. At dalawang linggo na akong ganito.

It's been two weeks since Adler left. It was also when I found out that he's - married. At doble ang sakit na nararamdaman ko. Dahil kahit na ganun ang ginawa niya, masakit pa rin sa akin ang pag-alis niya.

Hindi na kami nakapag-usap. O mas maiging sabihin na hindi ko na siya kinausap despite his effort. I turned my phone off. At nagbilin ako kay Nanay Myrna na hindi ako tatanggap ng bisita. Kahit na alam kong curious siya, hindi ito nagtanong. Kilalang-kilala niya ako. Kusa akong magkukwento kapag handa na akong magsalita.

On the day of his departure, he dropped by. Kahit anong pakiusap niya kay Nanay Myrna, I was very firm not to see him. At walang nagawa ang matanda kahit na alam kong naawa ito sa kay Adler. 

What's the point? Magpapaliwanag siya? But, will that change the fact that he's married? Whatever his reasons for getting married, I don't care. He's still married. At dahil diyan, I became the other woman. In short, kabit. Mistress. Kerida.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito matanggap. Na ginawa niya akong kabit.

Napipikit ako nang madiin. He said, " it's not what it looks like." So, ano ang tawag niya dun? Nanakit na nga siya ng damdamin, nanlilito pa siya.

That day, I left him without a word. At hindi niya ako nagawang awatin. He just stood there with clenched fist as I drove away.

Nung sa tingin ko, nakalayo na ako, I stopped on an empty parking lot of a restaurant. At doon ko ibinuhos ang sakit at sama ng loob ko.

Hindi ko maubos maisip na nagawa ni Adler sa akin 'yon. Niloko niya ako nang dilat ang mga mata. Ngayon na bumabalik sa alala ko ang lahat. That girl, was the same girl I saw he kissed. Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ko siya nakilala. Her short hair and her height, hindi ako pwedeng magkamali. Naalala ko rin ang sinabi sa akin ni Kai noon, na nakita niya si Adler na may kasamang babae at isang batang lalaki. 

This can't be happening. I am judging Kai, and here I am. We're the same.

What have I done? I am destroying a marriage and family.

Aaminin ko, I was thorn between choosing to be hurt by letting him go or fight for him and be a mistress. Pero hindi ko talaga kaya.

Ano'ng klaseng tao ako? May karapatan ba akong mamili kung ano ang gagawin ko? Dahil isa lang ang kailangan kong gawin. I have to let him go. Hindi importante kung mahal ko siya, kundi kailangang maitama ko ang pagkakamaling nagawa ko.

I should have known better. This is my fault. I started it all. Ako ang unang lumapit.

And what do I expect from a guy? Sabi nga nila, palay na ang lumalapit sa manok.

But I trusted him. At hindi ko ito matanggap. Kung sana sinabi niyang may asawa na siya, I'd stop. Ganun lang kasimple. 

This is a dead end situation. It's a battle I can't win.

Muntik na akong mapatalon nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Pinilit kong tumayo para buksan ang pinto.

"May bisita ka."

Nagulat ako nang makita si Ate Rosie. Kung si Nanay Myrna ito, hindi niya ako gigisingin.

It's too late to back out. Malamang nasabi na niya sa kung sino mang bisita ko na nandito ako. Okay lang. Ang importante, hindi ito sa Adler.

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now