Chapter 26

3.4K 91 14
                                    


REESE

Am I too happy being wrapped perfectly in his arms? That I would trade my loyalty to my parents just to spend the night with him? Well, I've been lying to them since we were together. So ano'ng pinagkaiba ngayon at nung mga nakaraang araw? Napabuntong hininga ako. Kahit na ano'ng isip ang gawin ko, mali pa rin ang ginagawa ko. I've been hiding our relationship since day one and then now what, lie again?

Pero wala siyang kinalaman dito. It's my choice. Wala akong ibang pwedeng sisihin. Even if he initiated it, ako pa rin ang magdedesisyon para sa sarili ko. It took a lot of guts for me to do this, so whatever happens, I have to stand up for what I've done.

He's in deep sleep. Napagod nang husto. Napangiti ako. Sino ba namang hindi mapapagod sa mga pinagagagawa niya. Parang sinulit nito ang pagkakataong ibinigay ko sa kanya. Last night, habang gising ako at may lakas siya, he made sure every minute counts. At kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko at pagod na pagod ako, sobrang saya ko dahil magkasama kami at napasaya ko siya.

May isa pang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi siya 'yong tipong magpipilit na umalis kami. He won't take the initiative that I should spend the night with him. Kasi alam niyang hindi ako papayag dahil may curfew ako. But this time, hindi man siya nag-insist, but he seemed disappointed when I initially refused.

And I have strange feeling about it. Especially when he said "thank you" when I said I was coming with him, it made me uneasy. It seems that he wanted to say more than that. Pakiramdam ko tuloy, may gagawin  siya o kaya sasabihin na hindi ko ikatutuwa.

At hindi ako mapakali kapag naiisip ko ito. Ayokong isipin na isa itong pamamaalam. Or last wish.  Pero sa tingin ko, hindi mangyayari ito.  He won't leave me. Right. Convince yourself, Reese.

Gumalaw ito at yumakap sa beywang ko. Napangiti ako. Alam niyang nasa tabi ko pa siya. Basta ako, I will never leave him. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. He's younger than his age. He's now 23, pero mukha lang siyang 19.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Pakiramdam ko, mas close na kami ngayon. Unti-unti na kaming nasasanay sa mga awkward silence. At nasasabi na namin ang ayaw namin sa isa't-isa.

Alam kong masyado pang maaga para isipin kong siya na ang lalaking para sa akin. Na siya na ang gusto kong makasama habang buhay. Pero ano'ng magagawa ko, kung 'yon ang nararamdaman ko?

Sabi nga nila, hindi importante kung gaano mo na  katagal kakilala ang isang tao, ang importante magkasundo at masaya kayo. Kasi kapag masaya kayo, you'll find a way to keep that happiness going. You'll get to know each other along the way. Hindi ko sinasabing pwede na kaming magpakasal. Ang sinasabi ko lang, pwede naming alagaan ang kung anumang meron kami ngayon. We've just started and I have no plans to stop.

At kung ako ang papipiliin, sa nararamdaman ko ngayon, gusto kong siya na ang huling lalaki sa buhay ko, wala ng iba. Sana ganun din siya. Kundi man ngayon, I'm willing to wait.

" I love you..." bulong ko sa kanya.

Natigilan ako sa sinabi ko. Bahagyang nanlamig ang katawan ko. Kahit ako hindi ko ineexpect na maririnig sa bibig ko ang mga katagang ito. I know what I feel about him. But I don't have the courage to say it. Kahit sa isip ko lang. Pero ngayon, sinabi ko ito ng walang alinlangan.

Napapikit ako. Yes, I love him. Everytime I'm with him, I'm this love sick teenager losing my mind. Despite managing my self-control for the past few weeks, I would always throw myself at him if I had the chance. In fact, wala akong hinihintay na oras kundi uwian o kaya vacant period so I could come to his place. So that he and I could cuddle up, kiss and do things what we want to do together.

For some reason, kinabahan ako nung humigpit ang yakap niya. Narinig kaya niya ako?

Sobrang lakas ng kaba ko. This seems premature but that's what I feel for him. Sana hindi niya narinig. Hindi kasi ito kapani-paniwala. Ayokong isipin niya na ginagamit ko ang L word na'to to ask for commitment.  This might push him away again. I don't want that to happen.

Masaya na ako sa ganito, na magkasama kami. Kahit gusto kong ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko, I will hold off for now. Maghihintay ako, kung kailan kaya ko nang harapin ulit ang rejection niya. At kung kailan ulit ako magkakaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya. Yung tipong kahit na hindi worth it, or walang patutunguhan, basta ang alam ko lang; ginawa ko kung ano ang dapat kung gawin, ang gusto kong gawin. Yung tipong hindi ako magsisisi na ginawa ko ito, at mas lalo akong magsisisi kung hindi ko ito ginawa.

***

ADLER

Tanaw ko na ang gate ng subdivision. Muli kong pinagmasdan ang makinis at maganda niyang habang payapang natutulog. She must be so tired. Pero hindi dahil dito kaya ito nakatulog. Hindi nito matagalan ang pananahimik ko simula nang mag-check out kami sa hotel.

Nangungulit ito kung may problema raw ba ako. Syempre hindi ko sinabi. Kapag naiisip ko ang problema namin ni Jill, nagui-guilty ako. At hindi lang 'yon, may kailangan pa akong sabihin sa kanya. At alam kong hindi niya magugustuhan ito.

Marahan ko siyang ginising pagdating namin sa main gate.

"We're here," sabi ko.

Tumango ito at umayos nang upo. Kumaway siya sa guard house para magpakita sa mga guard on-duty para makapasok kami.

" See you tomorrow?" nag-alangan kong tanong sa kanya.

We spent the night together. Naisip ko lang, baka I'm asking too  much kapag nagkita pa ulit kami kinabukasan. Though I'm hoping she'd  say yes.

Pero hindi ito sumagot. Alam kong masama ang loob niya kasi pakiramdam niya may itinatago ako sa kanya. At dahil sasabihin ko naman talaga ito sa kanya, I think this is the best time.

"Wag ka ng magalit. May sasabihin ako sa'yo. Pero kahit na hindi pa naman ito sa ngayon, I think yiu should know."

I don't know what came over me, pero ito ang nasabi ko. Wala pa akong balak sabihin ito sa kanya ngayon, kasi matagal pa naman. But I think she needs to know as early as now.

" Ano 'yon?" tanong nito.

At last nagsalita na ito. Pero ako naman ang hindi agad nakasagot.

What was I thinking? Ngayong nasabi ko na ito, there's no turning back.

Muli kong pinagmasdan ang maganda at naiinip niyang mukha.

"Please...say it. Kanina ka pa tahimik and I'm starting to freak out," tila naiinis na sabi nito pero hindi maitago ang takot sa kanyang mga mata.

She knows it's not a good news. So I don't want to prolong her agony. Huminga ako nang malalim at bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang passenger's seat para alalayan siyang bumaba. Pero hindi ito kumikilos at tila nagmamakawa na sabihin ko na sa kanya kung anuman ang sasabihin ko.

"Mag-usap tayo sa garden." I promised.

At noon lang siya kumilos. Inabot nito ang kamay ko at bumaba ng sasakyan. Nauna siyang naglakad patungo sa garden habang mabigat ang mga hakbang kong nakasunod sa kanya.

This should be it. Kailangan ko nang sabihin ito.

Huminto siya malapit sa gazeebo. Ito ay ang gitnang bahagi ng garden. Sumunod ako at huminto sa likuran niya. At hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit. Natigilan siya at hindi inaasahan ang ginawa ko. Pero hinawakan nito ang braso ko ang marahang hinaplos ito.

"C'mon, say it. I'll try not to get mad," biro nito.

Alam kong gusto lang niyang pagaanin ang sitwasyon kaya nakuha pa niyang magbiro. Pero alam kong ramdam niya ang bigat ng sasabihin ko.

Marahan ko siyang iniharap sa akin. I had to see her promising eyes. Telling me that everything's going to be all right.

"I want you to know that...I did not decide on this. I did not want it but I should do it," panimula ko.

Binitawan niya ang kamay at tila nainis sa suspense na dala ko.

"Please, Adler. You're killing me. Sabihin mo na," naiiyak na pakiusap nito.

And I don't want to see that. Kaya napapikit ako.

"I'm leaving for Germany in two weeks."

***

Thank you for reading!

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now