Chapter 23

3.4K 101 8
                                    

REESE

Kung naguluhan ako sa mga sinabi ni Kai, mas naguluhan ako nung makausap ko 'yong Dave na 'yon. Kung magsalita siya parang napakalaki ng papel niya sa buhay ni Adler.

Well, ano'ng klaseng papel ang pwedeng gampanan ng brother-in-law sa buhay ng isa't-isa. Unless hindi sila magkasundo.

When he said, brother-in-law siya ni Adler, napaisip ako. Posibleng asawa siya ng kapatid na babae ni Adler. Or this guy's sister is married to Adler. I'm sure hindi naman. Kasi walang asawa si Adler. Sinabi niyang wala siyang girlfriend, asawa pa kaya.

At dahil d'yan, naisip ko tuloy, I know little about Adler. Kung ano ang family background niya. Bukod sa sinabi niyang may second family ang Papa niya, that's it. I wanted to know more about him. Like kung ilan ba silang magkakapatid. Kung close ba sila? Lahat ng tungkol sa family niya, gusto kong malaman.  I know it's too soon but I think I should start doing it. Lalo na't naalala ko ang sinabi ni Kai at nakilala ko pa ang Dave na 'yon. Hindi ako mapakali. At dahil napansin kong hindi gano'n ka-vocal si Adler sa pagdating sa family niya, sa tingin ko, hindi naman masama kung kilalanin ko siya at ang family niya sa sarili kong paraan.  Then an idea came into my mind. Napatingin ako kay Adler na busy sa laptop sa paggawa ng aking assignment. 

"I have a question."

Huminto siya sa ginagawa at tila nagulat nang magsalita ako. And before I can say anything, we heard taps from the door. 

Nagkatinginan kaming dalawa. Nagulat si Adler. He stood up to get the door. Pero nag-alangang buksan ito at bumalik sa tabi ko.

"It's...my Mom. And..." para itong isang batang nataranta kasi nahuling gumagawa ng kasalanan at hindi alam ang sasabihin at gagawin.

Of course he knows it's his Mom. Dalawa lang silang nakatira sa bahay na ito.

"Just... stay here, I'll be right back, okay?" pakiusap nito.

Marahan akong napatango. I knew what he meant. He doesn't want his Mom to know that he's with somebody. Or at least a with a girl in his room.

For some reason nanliit ako sa sarili ko. Na parang ang mga babaeng kagaya ko na sex ang nauna bago ang "meet the parents" ay hindi karapat-dapat na ipakilala sa mga magulang ng mga boyfriends nila. Kaya napayuko na lang ako kasi hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"Reese, please don't..."

Nang makarinig ulit kami ng katok at mas malalakas pa ito kumpara noong una.

"I'm sorry, I'll be right back," and he kissed me on the cheeks before he left.

Kung ano man ang ibig niyang sabihin nung huli, hindi ko alam. Pero parang nahulaan niya ang iniisip ko. And it seems that he doesn't want me to think that way. But I can't help it.

Ginusto ko 'to, pinasok ko 'to, kaya hindi dapat ako mag-inarte. Kaya normal na masaktan ako at makaramdam ng ganito. Ako ang unang nagpakita ng motibo na may gusto ako sa kanya. Kung naging easy-to-get man ako sa paningin niya, it's my fault. So I can't teach him how he will treat me based on how he sees me. Hindi ako pwedeng magtampo o  magalit kay Adler. 

Bumangon at kumuha ng boxer shorts sa closet niya. In case of emergency, I don't want to get caught wearing his shirt with only my knickers on. Isinuot ko ito at bumalik ulit sa kama.

Hinarap ko ang laptop and I browsed some of the sites that I usually visit. Hanggang sa mainip ako. It's been twenty minutes since he left and it took him forever. I wonder kung ano ang pinag-uusapan nila ng Mom niya. I wish it was me. Pero alam kong hindi.

Sana bumalik na siya.

As if my wish has been granted, the door opened. He looked bothered. Siguro dahil hindi siya komportable na nasa labas ang mama niya at hindi nito alam na may tinatago siyang babae sa kwarto.

Race Against Love (on-going)Where stories live. Discover now