CHAPTER 6

1M 21.6K 4.7K
                                    

CHAPTER 6

PAGPASOK ni Cherry sa opisina, sumalubong kaagad sa kanya ang hindi maipintang mukha ng boss niya. Isang tingin lang alam na niyang bad mood ito at nagdarasal siya na sana hindi siya ang dahilan.

At talagang nauna pa ito sa kanya pumasok. Nakakahiya naman.

“Good morning, Sir.” Magalang na bati niya rito at tinungo ang mesa niya sa gilid ng silid.

“Why did you hanged up on me last night?” Luke’s voice boomed in every corner of the office.

She flinched and stops walking. “Ahm… n-nasira kasi ang phone ko.” Pagsisinungaling niya.

“Really?” Anito sa hindi naniniwalang boses. “Why do I find it so hard to believe?”

Napakagat-labi siya. “N-Nahulog ko kasi.”

“Really? Bakit naman?”

“N-Nagulat ako nung nabasa ko ang text mo.”

Nawalan ito ng imik kaya naman dahan-dahan niyang nilingon ang lalaki. Muntik na siyang tumili ng makitang ilang dangkal nalang ang layo nito sa kanya. Ang bilis naman nitong kumilos.

“Sir—”

“Bakit ka naman nagulat sa text ko kagabe?”

Yumuko siya. “It was bold. As in Rated-thirty bold. And I’m only twenty six. Menor-de-edad pa ako sa SOP na iyan.”

She heard him chuckle so she looked up. Nakangisi ito at mukhang nagi-enjoy sa hiyang nararamdaman niya.

“Bakit ka ba tumatawa riyan?” Naiinis na tanong niya rito.

He shrugged. “Wala.” Pagkatapos ay biglang sumeryuso ang mukha nito. “Start working. Marami pa tayong trabaho.”

Kumunot ang nuo niya sa biglang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Minsan malandi ito, minsan mabait pero most of the time e masungit ito. Nakakainis mang aminin pero gusto niya kapag mabait ito. Para kasing ito ang lalaking nakatalik niya sa likod ng sasakyan nito. Pero kapag malandi ang mode nito, nakakatakot. Kasi hindi siya titigilan hanggat hindi siya bumibigay sa gusto nito. Kapag masungit naman ito, nakakainis kasi pakiramdam nito e ito ang hari ng mundo.

Nakasimangot na umupo siya sa harap ng table niya at huminga ng malalim bago nag-umpisang mag-trabaho.

Ilang minuto na rin siyang nakaharap sa monitor ng computer at nagi-encode ng marinig niyang nagsalita si Luke.

“Cherry, puwede bang tumawag ka sa Administrative department at sabihin mo kay Mr. Montano na pinapapunta ko siya rito sa opisina.”

Napakunot ang nuo niya. Wala naman siyang kilalang Mr. Montano sa Administrative department.

“Bagong empleyado, Sir Alexander?” Tanong niya habang idina-dial ang number ng Administrative office.

“No. Siya ang pumalit sa posisyon ni Dwayne Castellan. He’s the new head of Administrative department.”

Nabitawan niya ang telepono sa sobrang pagkabigla. “A-Ano? B-Bakit?” Wala siyang maisip na rason para tanggalin ito sa posisyon nito. Dwayne is a hard working man. Kahit si Sir Alex ay walang masabi sa trabaho ni Dwayne.

Luke shrugged. “I simply don’t like him kaya naman pinalitan ko siya sa posisyon niya.”

Her eyes watered. Alam niya kung gaano kahirap maghanap ng trabaho. At hindi makakatulong kay Dwayne ang record nito na natanggal sa Vander Corporation dahil hindi ito nagustuhan ng CEO.

“Hindi mo dapat yun ginawa.” Aniya sa nanginginig na boses. “Alam mo ba kung gaano kasipag si Dwayne pagdating sa trabaho? Alam mo bang isa siya sa puring-puri na empleyado ni Sir Alex? Bakit mo yun ginawa sa kanya dahil lang sa hindi mo siya gusto? How could you be so insensitive selfish jerk?”

One Night With My Boss (Completed) PUBLISHED UNDER REDROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon