CHAPTER 5

1M 21.8K 3.5K
                                    

CHAPTER 5

KUMAWAY si Cherry sa papalayong sasakyan ni Dwayne. Dalawang oras din ang ginugol nila sa paghahapunan. Panay ang kwento nito ng kung ano-anong kakengkuyan kaya naman panay ang tawa niya.

She enjoyed Dwayne’s company. It lightened up her mood.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng shoulder bag sa balikat at pumasok sa HV Building. Sumakay siya sa elevator patungo sa apartment niya sa third floor. Pagkalabas niya ng elevator, tinahak niya ang hallway na papuntang apartment niya.

Cherry was three doors away from her apartment when she saw Luke. He’s leaning on the wall, his one hand on his pocket and his other hand was playing with his own hair. The scene took her breath away. Damn this guy for being so freaking handsome. He looks like a freaking GQ model!

Pero anong ginagawa niya sa labas ng apartment ko? Naguguluhang tanong niya sa sarili. At paano niya nalaman ang address ko?

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. He quickly looked at her direction. Umayos ito ng tayo ng makita siya.

“Anong ginagawa mo rito, Sir Alexander?” Binigyan  diin niya ang pangalan nito.

He looked straight to her eyes. “I’m here to blackmail you.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Ano?”

“I said I’m here to black mail you.” Inilabas nito ang disc na kung tama ang hinala niya ay nagkakaloob doon ang nangyarinsa kanila sa elevator. “And I’m going to use this.”

Pinag-krus niya ang braso sa harap ng dibdib at tinaasan ito ng kilay. “Sir Alexander, with all due respect, please leave my apartment.”

Ngumisi ito. “Wala ako sa loob ng apartment mo kaya hindi mo ako mapapaalis.”

She matched his smirked. “Watch me.” Itinulak niya ito palayo sa pintuan ng apartment niya at binuksan iyon. She stuck her tongue out at him before entering her apartment. She slammed the door at his face.

Hindi pa siya nakaka-isang habang payo sa nakasarang pintuan, narinig niyang nagsalita si Luke.

“Kapag hindi mo ako pagbuksan, ipagkakalat ko ang video natin sa elevator.” Pananakot nito sa kanya.

Kinabahan siya sa sinabi nito pero hindi pa rin niya ito pinagbuksan. “Umalis ka na, Sir Alexander.”

Akala niya ay umalis na ito dahil ilang minuto rin ang dumaan na wala siyang narinig mula sa labas ng pintuan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para alamin at makasigurado kung umalis nga ito pero ganoon na lamang ang gulat niya ng biglang bumulaga ito sa paningin niya at malakas na itinulak ang pinto.

“Ano ba ang problema mo? Bakit ka ba pumapasok sa bahay ng may sariling bahay?” Nanggagalaiti sa inis na wika niya. “For your information, hindi ka welcome sa pamamahay ko!”

He entered the room like it’s his. “Sa akin naman talaga ang apartment na ito. Kayang-kaya kitang paalisin kahit na anong oras kaya maging mabait ka sa akin.”

Napipilan siya sa sinabi nito. Totoo naman kasi ang tinuran nito. This building is owned by Vander Corporation. And the CEO of Vander Corporation is this bastard of a man standing in the middle of her living room like he owned the place.

“Bakit ka ba narito?” Nilampasan niya ito at inilapag ang bag sa center table. “Hindi na office hour ngayon, Sir Alexander. I want to rest. So please, leave.”

The moment Luke took a step towards her, Cherry’s heart hammered inside her chest. Parang alam na niya ang pakay nito sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya.

One Night With My Boss (Completed) PUBLISHED UNDER REDROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon