CHAPTER 3

1.2M 24.1K 4.2K
                                    

CHAPTER 3

PARANG binibiyak ang ulo ni Cherry ng magising siya kinabukasan. Parang may pumupukpok na martilyo sa ulo niya at hindi nakakatulong ang cell hone niya na kanina pa tunog ng tunog. Ayaw niyang gumalaw sa pagkakahiga dahil pakiramdam niya, sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit.

Hindi na niya kinaya ang maingay na aparato, papikit-pikit na inabot niya ang cell phone na nasa night stand katabi ng kama niya at sinagot ang tawag.

"Hello?" Aniya sa kabilang linya. "Sino 'to?"

"Anong sino ito? This is Vanilla! How dare you left us in the bar last night?!" Napakalakas ng boses nito at halatang galit ito. "Bakit mo ba kami iniwan?"

"Puwede bang mamaya ka na tumawag? Masakit ang ulo ko. I have a freaking hangover. Kaya please lang, ayoko munang pag-usapan ang nangyari kagabi." Aniya sa paas na boses.

Vanilla exhaled loudly. "Fine, but you have to come to the office. May announcement si Mr. Vanderhorst."

She groaned. "I can't. My head is killing me."

"But you have to!" Pamimilit sa kanya ni Vanilla. "You have to see Mr. Vanderhorst's son."

Tumihaya siya at napatitig sa kisame. "Hindi ako makakapasok, okay?" She exhaled. "Bakit ba nariyan ang anak ni Sir Alex?" Kapagkuwan ay tanong niya na naguguluhan. "Diba may sarili siyang kompanya? Akala ko ba hindi niya iti-take over ang kompanya ng ama niya?"

"Malay ko sa mag-amang 'yon. Basta pumunta ka na rito. Ikaw ang secretary ni Sir Alex, sigurado akong magiging ka-close mo so Sir Alexander. Napaka-guwapo niya." Kinikilig na anito. “Oh, his eyes… Parang inaakit niya ang lahat ng kababaihan dito sa opisina.”

Simula ng mag-trabaho siya sa Vander Corporation, hindi pa niya nakita ang anak ni Sir Alex. Hindi naman kasi ito pumupunta rito sa opisina.

She rolled her eyes. "Whatever. Wala akong pakialam. Sige, matutulog pa ako." Paalam niya at pinatay ang tawag.

Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata. The memory of what happened last night assaulted her mind. Napamulagat siya at napakagat labi ng maramdamang nag-react ang katawan niya sa memoryang iyon.

Shit!

Napaigtad siya ng marinig na namang tumunog ang cell phone niya. Naiinis na sinagot niya ang tawag. Kahit kailan, nakakainis talaga si Vanilla

“Diba sinabi ko nang hindi ako papasok?!” Paasik na sabi niya sa kabilang linya. “Bakit ba ang kulit-kulit mo?”

“Is that how you talk to your boss, Cherry?” Anang boses sa kabilang linya.

Napakagat labi siya. Oh, shit. “Sir Alex, kayo pala.” Aniya sa malumanay na boses.

“Oo, ako nga.” Anito sa matigas na boses pero alam niyang hindi ito galit. Tatlong taon na siyang nagta-trabaho para rito kaya alam na niya ang ugali nito. “Pumasok ka ngayon. Kahit mag half-day ka basta pumasok ka lang. Gusto kong makilala mo ang anak ko, si Alexander. Aalis ako bukas patungong London kasama ang asawa ko, gusto kong kahit papaano ay maging maganda ang samahan niyong dalawa. I’ll be gone for two months, kaya naman marapat lang na makilala niyo ang isa’t-isa.”

Tumango siya na para bang nasa harapan niya ito. “Okay po. I’ll be there in thirty minutes.” Wika niya sa Boss niya.

“Good. Hihintayin ka namin.”

Nang patayin ni Sir Alex ang tawag, mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at tinungo sa banyo.

One Night With My Boss (Completed) PUBLISHED UNDER REDROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon