CHAPTER 1

1.6M 25.9K 3.8K
                                    

CHAPTER 1

UMIIKOT na ang paningin ni Cherry pero umiinom pa rin siya ng Tequila. Nasa isang bar siya kasama ang mga kaibigan niya at nagsi-celebrate ng birthday niya. At dahil nga kaarawan niya ngayon, hindi siya nakatanggi ng dalhin siya ng mga kaibigan sa isang bar at pinainom ng alak.

"Cherry! You got to do this!" Lasing na sigaw ni Thena. "Birthday mo naman ngayon."

"Oo nga." Segunda ng lasing na rin na si Vanilla. "Just this one, Cherry. Tapos hindi ka na namin kukulitin pa."

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang matalik na kaibigan. Alam niyang hindi siya nang mga ito titigilan kapag hindi siya pumayag sa kagustuhan ng mga ito.

"Fine. Just this one." Aniya at tinunga ang isang shot ng tequila. "Ano ba ang ipapagawa niyo sa akin?"

Ngumisi si Vanilla. "Since it's your birthday. Ang gusto naming gawin mo ay pumili ka sa isang lalaki rito sa bar at halikan mo sa mga labi. Kapag hindi mo iyon ginawa, ikaw ang nagbabayad ng bill natin dito."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nawala bigla ang kalasingan niya. "Ano?! Nababaliw na ba kayo? Ayoko nga!"

Thena grinned mischievously. "Come on, Cherry. Ever since iniwan ka ng walang kwenta mong ex ay naging no-fun ka na. Live your life to the fullest. At saka, sa laki ng Pilipinas, sa tingin mo naman magkikita pa kayo ng lalaking hahalikan mo ngayon? Kaya, sige na. Halik lang naman iyon."

Napasandal siya sa likod ng upuan. "Ayoko nga. I'm not that kind of woman."

Vanilla rolled her eyes at her. "Hoy, Cherry, hindi ka naman makikipag-sex e. Makikipaghalikan ka lang."

"Kahit na. Ayoko pa rin."

Thena gave her a puppy look. "Please, Cherry. We just want you to have fun."

"And this is your way for me to have fun?" Ipinilig niya ang ulo. "No, I won't do it."

Vanilla grunted. "It's not like you're going to have sex. It's just a freaking kiss. Grow up, Cherry. You only live once."

Napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga naman. Hindi naman siya makikipag-sex. Makikipaghalikan lang siya sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi na niya makikita kahit kailan. Yeah. That would be great. Halik lang naman. Kumbensi niya sa sarili. Tumayo siya at napahawak siya sa mesa nang parang umikot ang buong paligid.

"Pupunat lang ako sa rest room." Aniya sa mga kaibigan. "Maghahanap na rin ako ng lalaking hahalikan." Wika niya na napapangiti.

Lasing na talaga ako! Sinong babae ang manghahalik ng lalaking hindi kakilala?

Pasuray-suray siya habang naglalakad patungo sa rest room. Naririnig niyang tinatawag ng mga kaibigan ang pangalan niya pero hindi niya ang mga ito pinansin. Patuloy siyang naglakad ng pasuray-suray hanggang sa mabuwal siya sa pagkakatayo. Napasubsub siya sa semento.

Shit naman oh!

May tumulong sa kanya upang makatayo siya pero tinulak niya ito. Nakilala niya ang walang hiya niyang ex-boyfriend sa bar. Tinulungan siya nitong makatayo at doon nga nag-umpisa ang relasyon daw nila. Hindi niya alam na manloloko pala ito. Dahil hindi nito nakuha ang gusto sa kanya, naghanap ito ng iba. Nang mahuli niya itong nakikipaghalikan sa malanding iyon sa loob ng elevator, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Matthew cheated on her; with the woman she hated the most in the office. Ang walang hiya!

Mag-isa siyang tumayo at akmang maglalakad muli ng tumuon ang paningin niya sa lalaking nakaupo sa bar at sumisimsim ng alak.

Her lips parted. Her heart hammered inside her chest. Everything inside her comes alive at the sight of a male god in front of her. Halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa lalaki. He oozed with sex appeal. He sits with confident. He sits there like he's compelling every woman to drool over him. He drank the liquor from the glass like it's nectar from Olympus.

One Night With My Boss (Completed) PUBLISHED UNDER REDROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon