Part Five

1.5K 41 8
                                    

Part Five

BACK to reality na kami pagkatapos ng isang linggo naming stay sa Camiguin. Naging masaya ang mga huling araw namin doon dahil kasama ko na si Daniel. Lagi na ring sumasama sa mga labas namin si Enchong. Masyado silang sweet ni Julia at aakalain mo talagang bagong kasal sila sa inaasta nila.

Magkakasama rin kaming bumalik galing Camiguin. Hindi pa kami nagkakabalikan ulit ni Daniel. We’re taking our time. Hindi naman kami masyadong nagmamadali. Ngayon naman, pinuproblema ko si Julia dahil engaged pa rin siya kay Albie. Hindi ko pa alam ang desisyon niya pero kahit ano pa man iyon, susuportahan ko siya. Wala naman akong right na manghimasok sa kanya.

Hinatid na kami nina Daniel at Enchong sa apartment namin sa Laguna. Hindi pa naman kasal si Julia kaya kasama ko pa rin siya dito. Iisang company kasi ang pinapasukan namin sa Canlubang. Kahit may kaya kami sa buhay, pinapractice pa rin namin ang degree na tinapos namin. Ako nakapagtapos ako ng BS Chemistry, samantala siya naman BS Biology.

Sayang naman kasi yung natapos namin kung hindi namin gagamitin. Kaya sabay kaming nag-apply ng trabaho sa Wyeth na matatagpuan nga sa Canlubang, Laguna. Nasa Chemistry Lab ako naka-assign, samantala siya sa Micro Lab naman.

“Love, ihahatid kita bukas,” sabi sa akin ni Daniel. Nakaupo na kami sa sala ng apartment namin ni Julia. Nakaakbay siya sa akin habang nag-uusap kaming dalawa.

“Eh di ba maaga pa ang pasok mo sa ospital bukas?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya. “Nagpalipat ako ng shift para mahahatid at masusundo pa kita.”

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko siya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Dati kasi, pinipilit ko pa siyang ihatid or sunduin pa ako dahil ayaw niya talaga magpalipat ng shift sa ospital.

Lumingon siya sa akin. Ngumiti siya at masuyong hinagkan ako sa labi.

“Nasabi ko na sa’yo na madami akong realizations nung nagkahiwalay tayo. Isa na doon na I’m taking you for granted,” panimula niya. Bumuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. “Noong nagkahiwalay tayo, sabi ko sa sarili ko, okay lang. I survived 27 years without you and I can survive the next years na wala ka. Pero I don’t want to just survive Kath, I wanted to live and you are my life. Without you I am nothing.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinalikan ko siya sa labi at hinawakan niya ang ulo ko para hindi ako makaalis agad sa halikan namin. Ginalaw niya ang kanyang labi at sumunod naman ako sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi ko para mas lumalim pa ang halikan namin.

Parehas kaming napaungol ng naglakbay ang kanyang kamay sa loob ng t-shirt na suot-suot ko. Kumapit naman ang braso ko sa leeg niya at unting-unting bumaba ang mga kamay ko sa malapad na likod niya. Inihiga niya ako sa sofa at pumatong siya sa akin.

Naputol ang halikan namin ng parehas kaming wala ng hininga. Halos mahubad na niya ang t-shirt ko ko. Napangisi siya.

Finding the Perfect Boyfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon