Part Twelve

781 38 10
                                    



Part Twelve



SABI nila kapag nag-aagaw buhay ka daw, parang magfa-flashback lahat nang nangyari sa'yo simula nung bata ka pa lang. Pero ako, ang mga memories namin ni Daniel ang nakikita ko. Iyon ang binabalik-balikan ko, siguro dahil siya ang lifeline ko. Siya ang dahilan kung bakit pa ako lumalaban. 


Nakarinig ako ng mga boses. Tinatawag nila ang pangalan ko. Pero boses ni Daniel ang angat sa lahat. Ganoon ata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Siya lang ang naririnig mo sa kabila ng maraming tao ang nakapalibot sa'yo. Nakaramdaman ako ng paghawak sa kamay ko, mahigpit na parang doon nakasalalay ang buhay ng humahawak nito. 


"Kathryn, love, huwag kang bibitaw please. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka! Kathryn!" 


Daniel, I wish I can really hold on. Pero pagod na pagod na ako. Gusto pa kitang makasama ng matagal. Gusto kong tumanda na kasama ka pero hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko tumakbo ako ng marathon buong buhay ko kaya gusto ng sumuko ng katawan ko.


"Kathryn please love. Don't leave me. You promised me, you won't ever leave..." 


Liwanag. Nakakita ako ng liwanag. Gusto kong sundan iyon. Napakagaan sa pakiramdam. Parang ang saya-saya ko na. Pupunta ako sa lugar na hindi na ako masasaktan ng kahit sino. 




IMINULAT ko ang mga mata ko at agad akong nasilaw sa liwanag. Iniangat ko ang kamay ko at doon ko nakita na may dextrose na nakatusok doon. Hindi ko rin maigalaw ang bibig ko dahil may tubong nakalagay doon. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang pamilyar na buhok ng lalaking minamahal ko. Ibig sabihin, buhay pa ako. Pero paano? 


Pinilit kong abutin ang ulo ni Daniel na nakasiksik sa kama ko at hinaplos iyon. Nagulat ako ng agad siyang mag-angat ng ulo. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapakla. Ginusot niya ng ilang beses ang kanyang mata at bumuntong-hininga.


"Ilang beses na ba akong nanaginip na gising ka na? Ilang beses ko na bang inasam na bumalik ka na sa akin? Huwag mo naman akong paglaruan ng ganito," sabi niya sa malungkot na tinig. "Loving you is really painful and tiring. Lagi kong tinatanong sa sarili ko, bakit ko ba kailangan maramdaman ito? Nagmahal lang naman ako pero dapat ba akong masaktan ng lubos?"


Nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mga mata. Humikbi siya. "Please Kathryn, come back to me. I'll do anything just please come back to me. Mahal na mahal kita."


Kumirot ang puso ko para sa lalaking ito. Para sa lalaking minahal ako ng tapat at hindi nag-aantay ng kapalit. Pilit kong iniangat ang kamay ko at inabot ang mukha niya. Pinunasan ko ang luha na lumandas sa kanyang pisngi. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya napatayo siya. 


Nanlaki ang mga mata niya. Ang laki ng ipinayat ni Daniel. Kita rin sa kanyang mukha ang pagod at puyat. Medyo humaba na rin ang buhok niya. Ilang araw ba akong tulog?


"K-Kath?" sambit niya sa nanginginig na boses. "Totoo ba ito? Gising ka na ba talaga?"


Finding the Perfect Boyfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon