Part Thirteen

751 29 4
                                    



Part Thirteen


INUTUSAN ko ang kasama ko na nurse na bumalik na lang kami sa kwarto dahil nawalan na ako ng gana gumala. Nakahawak lang ako sa dibdib ko habang papalapit kami sa kwarto ko. Tinutulak ng nurse yung wheelchair ko habang paulit-ulit niyang tinatanong kung ayos lang ako dahil kanina pa ako nakahawak sa dibdib ko. Tumingin ako sa kanya at tumango. Bumuntong-hininga ang nurse at nagpatuloy siya sa paghatid sa akin sa kwarto ko.


Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nung makita ko ang portrait ni L.A. kanina hindi ko maiwasang malungkot at umiyak. Pakiramdam ko kailangan ko siyang makita at yakapin ng mahigpit. Sobra siguro siyang malungkot ngayon. Alam kong mahal na mahal niya si Francheska. Nakikita ko yun kapag dumadalaw silang dalawa sa akin. Napakagat ako ng labi.


"We're here..." anunsyo ng nurse nang ipasok niya ako sa kwarto. Nadatnan ko doon si Daniel na seryosong nakatingin sa akin. Nakalagay ang kanyang braso sa kanyang dibdib at nakakunot ang noo sa akin.


"You can go," sabi ni Daniel sa nurse sa malamig na boses.


Tumango naman ang nurse at lumabas na ng kwarto. Bumaling si Daniel sa akin at pinaninkitan niya ako ng mga mata. "Hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Nag-alala ako, love. Paano kung may mangyari nanaman sa'yo? Alam mong hindi ko kakayanin kapag wala ka love. Hindi ko kaya."


Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at lumuhod siya sa tapat ng wheelchair ko para magkasing-lebel lang ang mga mata namin. "What's wrong love? Bakit hindi ka nagsasalita? May masakit ba sa'yo? Tatawag ba ako ng doctor?"


Hinawakan ko ang mukha ni Daniel at tinapik iyon ng dalawang beses. "Why didn't you tell me? Why did you lie?"


"Hah?" kunot-noong saad niya. "What are you talking about?"


"I know already," sambit ko sa maliit na boses at binitawan ang kanyang mukha. "Francheska died. L.A. left the hospital. You and Julia lied to me."


Humugot siya ng malalim na hininga. Tumayo siya at iginiya ang wheelchair ko malapit sa bed. Umupo siya sa bed at kinuha niya ako sa wheelchair para ilagay sa lap niya. Nakakandong na ako sa kanya ngayon na parang bata. Humilig ako sa kanya.


"I'm sorry," sabi niya. "Kagagaling mo lang sa coma. You were fragile and ayokong salubungin ka ng masamang balita. Baka mapano ka, I can't risk that."


"But Francheska and L.A. are my friends. I deserved to know what happened to them," wika ko sa nagtatampong boses. Naiintindihan ko naman ang gustong iparating ni Daniel pero siguro nainis lang ako dahil nagsinungaling siya sa akin. Ayokong nagsisinungaling si Daniel sa akin dahil isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko.


Isa pa, hindi ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako ngayon. Siguro nalulungkot lang talaga ako na ganoon ang nangyari kay Francheska. Kaunting panahon lang kami nagsama pero naging malapit na agad kaming magkaibigan. Tama, siguro nga, nalulungkot lang ako. Naaawa rin ako kay L.A. dahil maaga siyang iniwan ni Francheska. I could only hope na he could find healing sa Pilipinas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding the Perfect Boyfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon