Part Nine

709 30 5
                                    




Part Nine



KINAKABAHAN ako. Ito ang araw na lalabas na yung results ng mga tests na ginawa sa akin. Hindi pa rin ako pinapansin ni Daniel. Siguro nagtatampo pa rin siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya yung mga dinaramdam ko nitong mga nakaraang araw. Sa totoo lang, ayoko talaga siyang pag-alalahanin. At alam kong mangyayari ito kaya pinili kong itikom ang bibig ko.


Bumuntong-hininga ako at nakita kong hindi rin mapakali si Julia habang nakaupo sa upuan na katapat ko.


"Julia, please calm down," sabi ko sa kanya.


Bigla na lang siyang tumayo at naglakad papunta parito. "Hindi ako makakalma. Bakit ang tagal ng doktor? Akala ko sabi niya mga ganitong oras, makukuha mo na yung resulta ng mga tests mo."


"Julia, hindi lang ako ang pasyente ng mga doktor," paliwanag ko sa kanya.


"But you're the future director's wife. You should be the first priority," wika ni Julia.


Namula naman ako sa sinabi niya. Hindi ko nga alam if matutuloy pa iyon dahil galit nga iyong mokong na iyon sa akin. Parang nakaramdam na tuloy ako ng inis. OA na siya hah. Ako na nga itong nagkasakit, ako pa itong hindi niya pinapansin at sinusungitan.


"It's not how this hospital works. At hindi rin iyon magugustuhan ni Daniel," sabi ko sabay buntong-hininga. "Isa pa, hindi na nga niya ako pinapansin eh."


"Alam mo namang nagtatampo sa iyo yun ngayon," saad ni Julia. "Tingnan mo kapag nakalabas ka na ng ospital, balik na yung sweetness nun sa dati."


Magsasalita sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Daniel at ang isa pang doktor. Hindi ko mabasa ang mukha ng isang doktor pero ang mukha ni Daniel, lumong-lumo na. Napakagat ako ng labi. Tumingin sa akin si Daniel at bigla siyang tumakbo sa akin para yakapin ako ng mahigpit.


"I love you," bulong niya sa akin. Ito ang unang beses na kinausap niya ako mula nung sigawan namin. Ibinaon lang niya ang ulo niya sa leeg ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako sa inaakto niya. 


Tumikhim naman yung kasama niyang doktor. "My name is Kristoffer. I'm the doctor in charge of your tests. I'm from the thoracic department ng ospital na ito."


"Thoracic," bulong ko.


Umalis si Daniel sa pagkakayakap sa akin pero nanatili siya sa tabi ko. Umupo siya sa bed at kinuha ang kamay ko para hawakan. Napakalamig ng kamay niya. Parang mas siya pa ang kailangan ma-confine kaysa sa akin. Namumutla pa siya. 


"H-He's my colleague," sambit ni Daniel sa nanginginig na boses. "We're the ones who did your diagnosis."


"And?" parang may bikig sa lalamunan ko habang nakatingin lang sila sa akin at inaantay ko ang resulta ng mga tests na ginawa sa akin. 

Finding the Perfect Boyfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon