Chapter 6

77 11 6
                                    

-Chapter 6-

Sa school kinabukasan ay naging sentro ako ng tukso ng mga kaibigan ko.

“Alam mo bru blooming ka ngayon, tsaka pansin ko palagi kang good mood at naka-smile,” puna ni Meijie sa’kin habang nasa canteen kami.

“Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan Reine. Ayieeee!” makahulugang sabi ni Shaine sa’kin. Napataas naman ang kilay ko pero andun ‘yung kaba. Ano’ng alam ni Shaine?

“Luh! Anyare sa’yo paps?” painosente kong tanong kahit na kinakabahan ako.

“Sus! Ayieeee! Nagdadalaga na ‘yang si Reine namin. Diba paps?” makahulugang sabi ni Shaine sa’kin. Mas lalo namang napataas ang kilay ko. Hindi ko siya ma-gets eh.

“Anong nagdadalaga ang pinagsasabi mo paps? Ikaw paps ha, di ka nakainom nggamot mo ‘no?” pag-iiba ko.

“Asus! Nasabi ni ate Nique sa’kin na sabi daw ni fafa Blake friendship na kayo!” halos umabot na sa magkabilang tenga ni Shaine ang mga ngiti niya. “Ayieeee!kinikilig ako sa inyo paps!” parang naiihi sa kilig na sabi sa’kin ni Shaine.

“Ah! ‘Yung si admirer mo bru? Ikaw bru ha, lumalablayp ka na. Ayieee!” segunda din ni Meijei.

Patay na. Ako na naman nito ang trip nila buong araw. Delikado pa naman kapag sumabay ang topak nitong dalawang ‘to.

“Ayieee! Blake and Reine!” tukso lalo ni Shaine sa’kin.

Napailing na lang ako. Heto na. Nagsisimula na sila.

“Blake and Reine equals BLAINE! Ayieeee!” kantiyaw ni Meijie.

Halos magtagpo na ang mga kilay ko at kumulubot na ang noo ko sa sinabi ni Meijie. Anong Blaine ang pinagsasabi nito?

“ Ang galing mo talaga Mei! Blaine na ‘yung itatawag natin sa loveteam nina fafa Blake at Reine!” todo sang-ayon ni Shaine sa naisip Meijei.

Wala na. Wala ng pag-asang matahimik ang buhay ko dito sa school. Araw-araw na nila akong tutuksuhin nito...pero ba’t parang natutuwa din ako sa mga pinagsasabi ng dalawang ‘to? Ba’t parang kinikilig ako sa BLAINE na pauso nila?

***

“Class be sure to pass your outputs on or before the deadline. Okay?” hirit ni sir Lobaton bago kami tuluyang i-dismiss.

“Yes sir!” halos sabay naming lahat na sagot para pauwiin na kami ng teacher naming mabait nga pero tambak din kung magbigay outputs at assignments.

“Okay. Class dismissed.”

Nagmadali kaming magkakaibigang umalis ng classroom. Pupunta kasi kaming park. Bonding day namin ngayon at doon ang bonding venue namin. Malapit lang naman ang park sa school kaya naglakad na lang kami.

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon