Chapter XXXVII '' Jealousy ''

1.3K 33 11
                                    

Alexander Xian Uy Lim  P.O.V

Nagsisimula na ang praktis namin pero wala pa ren si Sue . Mukhang wala talaga siyang balak pumunta para makita ako paano maglaro . Well I guess hindi pa niya talaga ako natatanggap ng tuluyan . Nasasaktan pa ren siguro sa nangyari sa kanila ni Robi . Lalo na umalis na si Robi . Akala ko mas mabibigyan na kami ng pagkakataon para magka-ayos sa pag-alis ni Robi yun pala mas iisipin pa ni Sue si Robi dahil wala na ito dito sa bansa . Ang swerte naman niya . Kahit malayo siya ay siya paren ang minamahal niya at iniisip niya . 

Hindi ako maka focus sa praktis si Sue ang naiisip ko . Kaya nagpalingalinga ako baka sakali na mahagilap siya ng aking mata . Tumingin ako sa kinauupuan nila Erich , Mell at Empress , pero nabigo akong makita siya roon . Inikot ko pa ang paningin ko si Alex Gonzaga ang naaninag ko . Nakita siguro na nakatingin ako kaya ngumiti na ren ako . Hindi pa ren ako sumuko at tumigil umasa na pupunta siya at papanuorin niya ako maglaro . Sa di kalayuan nakita ko siya , alam kung siya yun kahit nakatalikod . Pumunta siya pero bakit naman kaya nakatalikod yun ? Wag niyang sabihin aalis na siya agad ? Please stay . Stay stay stay ^_^

Kimberly Sue Yap Chiu Lim  P.O.V

Aalis ? o Aalis ?

Ano ? Tsh . 

Nakakainis naman . 

Hindi na siguro ako kailangan dito kasi andito na naman yung inspiration ni Xander eh . Andito na naman si Alex G. eh . Kaya bakit pa ba ako tutuloy kung may nagpapalakas na ng loob niya . SAKIT >_<

Kaya pala hindi na ako pinilit kasi may isasama na siya dun ? Alam na niya sigurong tatanggihan ko siya kaya sinigurado niyang makakasama niya ngayon si Alex G. At ako wala lang ako sa kanya ang sweetness na pinapakita ay hindi para sa akin kundi para kay Alex G. 

Ang sakit nuh ? Saklap ng buhay ko . Panakip butas . Sana tinutulan na lang niya ang kasalan na to . Hindi naman pala ako mahal pero , pinakasal-kasalan pa ako . Kung si Alex G. naman talaga yung gusto bakit hindi na lang siya ang pinakasalan . Bakit kailangan pa niya sirain at pasukin ang buhay ko kaya heto nasasaktan tuloy ako . Sinira na nga ang umuusbong naming nararamdaman ni Robi tapos , anong gagawin niya sa akin . Sinasaktan na niya ako , kailangan ba talaga kung wala ang asawa kailangan may kapalit na ? Sabagay mahal naman niya si Alex G. kaya sino ba naman ako ? Asawa lang naman niya ako . Hindi ako ang mahal niya . Ang masakit pa nga dito , sinasadya niyang magkrus landas namin ng babae niya . Ay , oo nga pala ang alam niya ay hindi ako pupunta kaya andito ang babae niya . Hindi man lang ba inisip na baka pumunta ako ? Haaay ! Anong klaseng tao to ? Tssssh . 

Kimmy ? - tawag sa akin ni Erich . Sh*t , nakita nila ako . Nakatalikod na nga ako't lahat lahat nakilala paren nila ako . Paalis na sana ako eh ! Urgh . 

Kim , halika na . - hindi ako lumingon at balak ko umalis at lumabas sa gym pero , nagsalita pa ulit si Erich . Nakakainis , anong gagawin ko ? Aalis na nga lang ako . 

Hep ! Wag kana nga mag-inarte . Halika na dun sa upuan natin . Nakaresearved talaga yun para sayo . - anak naman ng pating oo . Saan lupalop nanggaling si Empress . Bakit kanina nakaupo lang siya dn tapos andito na sa harapan ko . Hindi kaya may lahing aswang to . Kung saan saan sumusulpot hah ! 

A Parental Wedding Story - kimxi (APWS)  &quot;Editing&quot;Where stories live. Discover now