Chapter XXV " So down and low :(( "

1.4K 26 9
                                    

A/N : Kamusta na ? Sorry natagalan aah .. nakalimutan ko kasi ang password ko kaya medyo natagalan . Naguulyanin na ata ako ahaha :) Pasensya na po , bawi ako ngayon .

Let me know your opinion about this chapter ...

Enjoy Everyone !!!

1

.

.

.

.

.

.

.

1

1

2

2

2

3

3

gooooooooooo !

Kimberly Sue Yap Chiu P.O.V

Anong nangyayari ?

Totoo ba ang lahat ng ito ?

Am I not just dreaming ?

Paano nangyari sa akin ang bagay na to ?

Pinagka-isahan nila akong lahat !

Si mommy ! , si daddy ! at si Xander ay niloko ako !

Matagal na pala nilang alam to tapos ano ? nilihim nila sa akin at pinag mukha nila akong tanga !

Bakit ?

Bakit ?

Mga tanong sa aking isipan , kasabay ng mga luhang uma-agos sa aking mga mata na tila ulan kung bumuhos . Hindi ako makatulog  , at hindi mapanatag ang isip at kaluluwa ko sa nangyari nitong gabi . Ang dapat sana ay masayang selebrasyon ay na uwi sa ganitong pangyayari . Masakit na malaman ang bagay na ito lalo na kung nalaman mong niloko ka at pinagka isahan ng lahat ng tao sa paligid mo , hindi mo na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi . Bakit ganon silang lahat , I feel so damn and I was just hurt on what is happining . Why is this happining to me ? Anong naging kasalanan ko at ginanito nila akong lahat . Nagmukha akong tanga sa lahat ng bisita , tuloy wala akong nagawa at nasabi . Nakatulala lang sa isang tabi at di maikilos ang katawan sa sobrang pagkabigla .

Anak ? Are  you still up ? Si mama to , can I talk to you ? - naririnig ko mula sa labas ng aking pinto . Kumakatok si mommy , at nagsusumamo na kausapin ko siya pero anong gagawin at sasabihin ko , kung mismo sa sarili ko wala akong alam na gawin at isipin . Wala akong lakas para makinig sa paliwanag o dagdagan pa ang pasanin sa gabing ito . Ayaw ko pag-usapan kung ano man ang nangyari sa gabing ito . I'm so tired , ayaw ko na mag-isip pa . Pagod ako , ang isip ko , katawan ko at puso ko sa gabing ito . Masyado akong nasaktan at hindi maipaliwanag kung ano talaga ang nasa isip ko masyadong magulo ang lahat as of now .

Anak naman .... Hayaan mo magpaliwanag si mommy okey ? baby ? Please ... anak open the door huh ? - sabi pa ni mommy habang pilit na binubuksan ang door knob ng kwarto ko . Ayaw ko ng makarinig ng tungkol sa nangyari ngayong gabi . Gusto kung magpahinga at huwag isipin kung ano man ang nangyari sa gabing ito . Pero paano ko yun magagawa kung pilit nilang ipinaalala sa akin ? Paano ko maiintindihan kung binigla nila ako ? Paano ko tatanggapin kung hindi nila pinaliwanag sa akin kung bakit ? At paano ko pakakasalan ang taong ni hindi kailan man naging parte ng pagkatao ko . Oo nga't kababata kami  , oo nga't magkaibigan ang mga magulang namin ,,, pero dapat ba nilang gawin to ? Ang ipagkasundo nila kami ? ng wala man lang involve na pagmamahalan !? Dapat ba nilang ipilit na pagsamahin at ipakasal kami ? Paano nila nagawa to ! Bukod sa mga bata pa kami at marami pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin pero eto pa ? Mga bata paren kami at maraming dapat na inaatupag tulad na lamang ng aming pag-aaral .

A Parental Wedding Story - kimxi (APWS)  "Editing"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon