Chapter 7 (Field Trip Day)

468 8 0
                                    

Bago ang araw ng field trip ay nag-orientation muna kami at nalaman ko na kasama namin sa bus ang STEM 1. So hindi na ako nagpa-virgin pa, ni-reserve ko na ang sarili ko sa tabi ni Von. Alas-3 pa lang ay gumising na ako dahil alas-4 ang call time sa school.

"Cheska bilisan mo na diyan at nasa baba na si Von, sabay na daw kayo papuntang school." Kumatok si Mama at medyo nagulat ako sa sinabi niya. Wow ha! Pinuntahan niya pa ako dito sa bahay.

"Opo, patapos na ako." Sagot ko habang naglalagay ng lip tint. Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng kaagad kong nasalubong ang tingin niya. Prente siyang nakaupo sa sofa namin.

"Oh Cheska ito na baon mo. Mag-text ka na lang mamayang gabi para masundo kita." Sabi ni Mama habang inaabot ang 1500 cash.

"Tita ako na po maghahatid kay Cheska dito mamaya, tutal magkasama naman po kami sa iisang bus." Nagulat ako sa sinabi ni Von. Maging si Mama ay nanlaki ang mata at tinignan ako ng makahulugan. Kaagad naman akong pinamulahan ng pisngi.

"Ganoon ba. Sige-sige. Lakad na kayo at baka ma-late pa kayo pareho. Ingat." Pagpapaalam ni Mama. Nagkatinginan kami ni Von at sumenyas siya.

Nauna na ako palabas ng bahay saka siya sumunod. Kinuskos ko ang braso ko dahil sa lamig ng madaling araw.

"Suot mo." Lumingon ako kay Von at sa inaabot niya sa aking itim na hoody.

"Ha? Hindi na, sayo na yan." Umiling ako.

"Akin na yang bag mo." Utos niya. Kahit nagtataka ay binigay ko ang bag ko. Sinuot niya naman ito pero paharap sa kanya kasi may suot din siyang backpack.

"Kaya ang liit-liit mo eh ang daming laman ng backpack mo." Utas niya at ipinatong niya ang hoody sa likuran ko.

Putangina. Wala na, hulog na hulog na talaga ako. Ibang-iba ang nadarama ko ngayong kasama ko siya. Para akong lumilipad habang tinititigan niya ako. Kagaya sa pelikula ay unti-unti kaming naglapit at naglapat ang aming mga labi. Humawak ako sa braso niya para kumuha ng suporta dahil nanlalambot na talaga ang mga tuhod ko. He cupped my jaw while he kisses me gently. Hindi ko na marinig ang lahat maliban sa tibok ng puso ko.

"Late na tayo niyan." Bulong niya at muli akong binigyan ng saglit na halik. Namula naman ang pisngi ko.

"Tara na." Aya niya at wala ng mapaglagyan ang kilig ko ng pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.

"Baka may makakita." Sabi ko at lumingon-lingon ako sa palagid.

"Ano naman ngayon? Tsaka madilim pa at walang tao. Kahit may mangyari satin dito sa daan walang makakaalam." Agad naman akong nalibugan sa sinabi niya. Tinignan ko siya at bumaba ang tingin ko sa titi niyang bumabakat na.

"Oh 'wag mo na akong akitin. Baka maiwan na tayo ng bus." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ang daya mo ha. 'Pag ako ang inaakit mo okay lang pero 'pag gusto kitang akitin ayaw mo na?" Ngumiti lang siya sa sinabi ko.

Hindi niya binitawan ang kamay ko sa buong byahe namin papunta sa school. Pero ng nasa school na kami ay saka niya ito binitawan. Hindi ko alam pero medyo nag-tampo ako sa part na yun. See Cheska 'wag mo kasi bigyan ng meaning lahat. Kahit magkantutan pa kayo, wala pa ring meaning yan. Lumunok ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad, nasa tabi ko siya habang naglalakad. Nang mahanap namin ang aming bus ay pumunta na kami roon. Pinauna niya ako sa pagsakay at naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko habang naakyat ako sa bus. Medyo marami ng tao at panay na ang pagpi-picture ng ilan naming kaklase. Samantalang ang iba naman ay kumakain.

"Uy Cheska ha talagang pinilit mo pang ipadala kay Von yang bag mo." Bungad sa akin ni Maidy. Tinawanan ko lang naman siya at umirap ako.

"Tingnan mo oh hindi na namamansin. Famous na eh napansin lang ni Von." Pang-aasar naman ni Patrick.

"Ewan ko sa inyo. Mga siraulo."

"Von ingat ka diyan ha. Baka kung ano gawin niya sayo mamaya." Sabi ni Mika kay Von.

"Sige." Sagot naman ni Von.

Umiling na lang ako at umupo na ako sa may tabi ng bintana. Sumunod naman si Von at umupo na sa tabi ko.

"Pre pahiram naman ako ng earphones." Lumingon ako kay Anthony at nakita ko ang pagkabigla niya ng makita niya ako sa tabi ni Von. Grabe naman 'tong maasim na'to.

"Eto. Ibalik mo din sa akin mamaya ha." Binigay ni Von ang earphones niya.

"Oo naman." Sagot niya at may binulong pa siya kay Von. Natawa si Von, umiling at tinapik na ang balikat ni Anthony saka umalis yung maasim na matabang yun.

"Ano sinabi niya?" Tanong ko ng makaalis na si Anthony.

"Bakit daw ako pumayag na makatabi ka at bakit daw hindi ako kay Christine tumabi." Sagot niya.

"Tapos ano sabi mo?"

"Ayaw kong katabi si Christine kasi ikaw ang gusto ko." Napalunok ako at hindi ko na napigilan ang aking ngiti. Umirap ako sa kanya at pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

Nang makunpleto na kaming lahat sa bus ay isa-isa ng nagsialisan ang mga bus. Nag-ingay naman ang mga kaklase ko ng magsimula ng umandar ang bus namin. Si Von naman ay umidlip kaagad. His arms are crossed against his chest. May suot siyang sleeping mask at hindi ko mapigilang tingnan ang adam's apple niya at ang napaka-tangos niyang ilong. Tsaka yung labi niya, tangina. Titigan ko pa lang nilalabsan na ako. Pinanuod ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Nagulat ako ng binaba niya ang sleeping mask niya at lumingon sa akin. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ako makakatulog ng ayos niyan kung tititigan mo ako." He said in his baritone voice.

"Huh? Hindi naman ah." Pagpapatay malisya ko.

"Gusto mo ba?" Tanong niya at pinamulahan ako ng pisngi.

"Ng ano?" Tanong ko at ngumisi siya. Lumingon-lingon siya. Ang iba'y tulog at mga abala sa pagse-cellphone.

Hinawakan niya ang baba ko at binigyan ako ng halik sa labi.

"Patulugin mo muna ako ha. Napuyat ako kagabi kakaisip sayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Love, Lust and Lies (DWS #2)Where stories live. Discover now