Chapter 6 (Phone Call)

410 5 0
                                    

Wala pa bang mas sasama pa sa araw na 'to? Kanina pang ganito pakiramdam ko ah. Magkahalong lungkot at galit ang pakiramdam ko habang naglalakad ako pauwi. Pumasom na ako sa bahay at nadatnan ko si Mama na nagluluto sa kusina.

"Tawagan mo na si France at kakain na tayo maya-maya." Bungad na utos sakin. Tumango lang ako at dumiretso sa aking kwarto.

Humiga ako sa aking kama at binuksan ang aking cellphone. Nag-online ako at tinignan ang messenger kong tambak ng unread messages mula sa iba't-ibang lalaki. See. Bakit ko ba ida-down ang sarili ko eh ang daming lalaking nagkaka-gusto sa akin, gusto akong tikman. Sinarado ko ma ito at inaliw na lang ang aking sarili sa pagba-browse ng mga memes sa facebook. Pansamantala ay nakalimutan ko ang rejection na natanggap ko mula kay Von. Biglang tumunog ang cellphone ko na hudyat na may nagpadala ng text.

Von:
I'm sorry kanina. Medyo stressed out lang ako sa acads lately. Alam mo naman ang ugali ko, gentleman talaga akong lalaki okay?

Umirap lang ako at muling nag-browse sa facebook. Sapat bang dahilan yun para ipamukha sa akin na ayaw niya akong pumunta sa bahay nila kasi nandoon si Christine. Gentleman daw. Ulol ang sabihin mo malandi ka rin.

Von:
Hey. I said I'm sorry. Alangan namang isama kita sa paghahatid sa kanya eh alam ko namang ayaw mo sa kanya.

Oh alam mo naman palang ayaw ko sa kanya. Eh bakit todo lapit ka pa rin? Bakit di mo iwasan? Ah naalala ko, wala nga pala akong karapatan. Hindi ako nag-reply at patuloy pa rin sa pagkutingting sa cellphone ko.

Von is calling...

Biglang lumakas ang tibok ng walang hiya kong puso. Ano ka ba Cheska, para ringtone lang yan eh kinakabahan ka pa. Hindi ko ito sinagot at hinayaan lang mag-ring.

Von is calling...

Akala ko ay titigil na siya at titigil na rin sa paghuramentado ang puso ko. Lumunok ako at nag-ipon ng lakas ng loob. Ano ba Cheska. Wag ka ngang feeling. Napaka-arte mo pa ikaw na nga tinatawagan. Napaghahalataan ka masiyado eh.

"Hello." Sagot ko. Narinig ko lang ang kanyang paghinga at ang ugong ng air con. Nasa kwarto na niya siguro siya.

"Nasaan ka?" Tanong niya at napangiti naman kaagad ako. Tangina tumitiklop na kaagad ako eh yun pa lang sinasabi niya.

"Pakialam mo ba? Pinakialaman ba kita kung ano ginagawa niyo ni Christine." Pagtataray ko.

"Alam mo kung ano ginawa namin hindi ba." Sagot niya gamit ang seryosong tono.

"Aba malay ko sa inyo."

"Cheska tinuruan ko lang siya sa Pre-Cal kasi nakiusap siya." Paliwanag niya sa akin. Umirap ako pero kinikilig na ako.

"Tinanong ko ba?" Pagtataray ko kunwari pero nangingiti-ngiti na ako. Bumuntong-hinga naman siya sa kabilang linya.

"Bakit ka ba umalis kaagad sa bahay eh hindi naman kita pinapa-alis?" Tanong niya ng mahinahon.

"Anong gusto mo gawin ko? Eh pahiyang-pahiya na ako sa harap ni Christine kanina." Muli namang bumalik ang ititasyon ko sa pag-alala sa ginawa niya kanina.

"I'm sorry okay. I didn't mean that. Ayoko lang kasi na hayaan ang isang babaeng umuwi mag-isa samantalang medyo malayo pa lalakarin noon mula sa bahay. Hindi naman kita pinaalis." Kinagat ko ang labi ko para pigilang ngumiti sa lambing ng boses niya. Kinalma ko ang sarili ko at pinigilang madarang sa mabubulaklak niyang salita.

"At ako ayos lang na iwan at makauwi mag-isa?" Tanong ko pabalik sa kanya. Sandali naman siyang natahimik.

"Nag-seselos ka ba?" Tanong niya na siya lalong nakapag-pabilis ng tibok ng puso ko.

"Ako? Hahahaha." Oo tangina mo.

"Ano? Nag-seselos ka nga?" Seryoso niyang tanong. Ako naman ang natahimik. Pumikit ako at dinamdam ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Hindi." Pag-sisinungaling ko.

"Ano pala tawag mo doon?" Tanong niyang muli.

"Wala. 'Wag mo na intindihin yoon. 'Di na lang ako pupunta sa inyo kapag wala naman talaga akong kailangang gawin diyan." Tumagilid ako ng higa sa kama hawak ang cellphone sa aking kanang tenga.

"May sinabi ba akong 'wag ka ng pupunta?" Tanong niyang muli.

"Hindi mo naman kailangan sabihin kung nararamdaman ko naman." Malungkot kong tugon.

"Pupunta ako diyan." Sagot niya na kaagad nagpabangon sa akin.

"Ano? Ha! Ano namang gagawin mo dito?" Naiirita kong tanong kahit na nae-excite na talaga ako.

"Ayaw mong sagutin tanong ko eh." Tugon niya.

"Na ano?"

"Kung nag-seselos ka ba?" Tanong niyang muli.

"Ewan ko sayong hayup ka." Sagot ko at binabaan ko siya ng tawag. Napahawak naman ako sa dibdib kong parang may nagkakarerahang kabayo sa loob.

Ipinag-patuloy ko na lang ulit ang pagce-cellphone ko. Medyo nagugutom na ako at nakapagtataka naman na hindi pa nila ako tinatawag para maghapunan. Inayos ko ang sarili ko. Chinarge ang cellphone at bumaba na.

"Uuwi ba daw ang papa mo ngayong pasko?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Mama mula sa kusina. At sino namang kausap niya. Lumakad pa ako at nagulat ako ng prentenf nakaupo si Von sa hapag kainan namin at nilalantakan ang ice cream sa kanyang tasa habang patapos na kumain si France at si Mama.

"Siguro po makakuwi siya pero hindi ko lang din alam." Nagkibit naman ito ng balikat.

"Oh Cheska kumain ka na." Yaya ni mama sa akin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Relax Cheska bahay mo 'to okay. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Von. Sinundan niya naman ako ng tingin hanggang sa makaupo ako.

"Siya sige lilikumin ko na are at papakainin ko lang si Bruno." Tumayo na si Mama.

"Ako rin papakainin ko si Bruno." Sagot ni France.

"Hay naku ika'y manuod na lang ng tv." Umalis na sila sa kusina at naiwan ako kasama ang talipandas na ito. Tahimik akong kumukuha ng pagkain. Ang walang hiya naman ay pana'y ang sulyap sa akin at may ngiting mapang-asar.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong at nag-simula na akong kumain.

"Tinitignan ko lang kung okay ka." Sagot niya habang nakangisi. Nilingon ko naman siya at pinanlisikan ng mata.

"Anong palagay mo sa akin may sakit?"

"Hindi naman." Hinagod niya ako ng tingin.

"Ang lusog mo nga eh. Malaman, masarap pang gigilan." Wala pa akong kinakain ay nasamid kaagad ako sa sariling laway.

"Sus magaling ka lang sa salita eh." Umirap ako sa kanya. Ngumisi lang siya at medyo natawa.

"Tignan mo natahimik ka." Pang-aasar ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Bumaba ang tingin sa labi ko at walang intro-introng nilaplap ang labi ko. Marahan ngunit marahas ang pag-angkin niya sa labi ko habang ang kamay niya ay nasa may batok ko at medyo hinahatak ang buhok ko. Kinilabutan ako sa sensyasyong dala ng halik niya ay nabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Pinasok niya ang dila niya sa bibig ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Humiwalay siya sa aming halikan. Tinitigan ako sa mata at dinilaan niya ang kanyang labi na mamula-mula.

"Tingnan mo natahimik ka."

 Love, Lust and Lies (DWS #2)Where stories live. Discover now