Prologue

1.6K 7 0
                                    

"Tangina boy, galing sa kama ni Cheska. Hayop." Kumunot ang noo ko sa lakas ng boses ng mga kaklase kong lalaki. Nagre-review ako para sa test namin. Umiling na lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"Akala ko ba may girlfriend ka na? Idol ka talaga Randy."

"Wala eh. Gusto din naman niya. Sarap na sarap pa nga siya sa ginawa namin kagabi."

"Sa tingin mo boy papayag yun sa akin. Yayain ko kaya?" Umigting ang panga ko sa sinabi ni Jomer. Kung mag-usap sila tungkol sa babae, parang laman. Wala na bang alam ang mga ito kunghindi mag-usap tungkol sa sex? Kung marinig siguro ako ni mama na mag-salita tungkol dito ay pihadong sa halip na tela ang matahi niya ay bunganga ko na.

"Boy andyan na pala siya!" Nag-tulakan ang magto-tropa. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagpasok ni Cheska. Tss. Ang iksi naman ng palda niya. Isasama ko nga ito sa amin para mabigyan ng tela. Lumunok ako ng umupo na siya sa tabi ko.

"Hi, Cheska." Lumapit sa tayo niya si Jomer. Ngumiti naman ang isang ito.

"Hi din, Jomer." Umiling na lang ako at inilipat ng pahina ang libro.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya. Libre ko." Aya sa kanya.

"Ha? Ano..." Kumunot ang noo ko ng nilingon niya ako. Nag-init ang pisngi ko sa klase ng tingin na ibinigay niya sa akin. Ako ba ang tinitignan niya o may lalaki sa tabi ko.

"Pwede ba?" Masigla ulit na tanong ni Jomer.

"Ah... sige." Iniligpit ko ang gamit ko at tumayo para mag-banyo.

"Ah, Von." Umigting ang panga ko ng tinawag niya ang pangalan ko. Tumigil ako at inantay siyang umimik.

"Nasa akin nga pala yung baon mo. Pinabigay ng mama mo." Nilingon ko siya at kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Akin na." Inilahad ko ang kamay ko. Dali-dali niyang kinalkal ang bag niya.

"Hala, asan yung wallet ko?" Natataranta niyang tanong at inihuho ang gamit niya. Nag-iwas ako ng tingin ng may malaglag na pulang foil. Hindi ako tanga para hindi malaman yun. Condom ata yung tawag dun.

"Shit." Mura niya at kaagad niyang nilimot yung condom. Namula ang pisngi niya at dinampot niya ang hello kitty niyang wallet. Kinuha niya ang isang daang piso.

"Ah, eto na." Kinuha ko ito at kaagad ng umalis.

"Cheska, girls scout ka pala. Laging handa. Durex ito ah." Kumuyom ang kamao ko ng narinig ko iyong sinabi ni Jomer. Tss.


Author's Note:
    Isasabay ko na ito sa Confusion and Temptation. Sana talaga matapos ko na kaagad ang CAT. Hope you'll like this.

 Love, Lust and Lies (DWS #2)Where stories live. Discover now