Chapter 4 (Com Lab)

887 7 0
                                    

Matapos kung kumain ng lunch at tinakasan ko si Jomer. I search for Von pero hindi ko siya mahanap. Huwag ko lang siyang makikita kasama ni Christine. Pumunta ako sa library pero walang tao. Lumingon ako sa kanan kung nasaan ang pinto na nagdudugtong sa computer lab. Naglakad ako patungo rito. Napangiti ako ng makita ko siya sa sulok sa harapan ng isang pc. Lumingon siya sa akin at nagsalubong ang kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya gamit ang malalim na boses.

"Bakit nagbabayad naman ako ng tuition ah. May karapatan din akong pumasok dito sa com lab." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Umupo ako sa katabi niyong upuan.

"Tss. Huwag mo akong iistorbuhin at naggagawa ako ng assignment para bukas." Pagsusungit niya at bumalik sa pagii-scroll.

"Huwag mo akong pansinin kung ganoon." Lumapit ako at bumulong sa kanya. I felt him stiffend. Ngumiti ako at itinuon ang siko ko sa mesa at humarap sa kanya. Humantad ng kaunti ang hita kong nakakasilaw. Bumaba ang tingin niya doon. Lumunok siya at agad nag-iwas ng tingin.

Nagsimula na siyang mag-type at tumitig lang ako sa maamo niyang mukha. Makapal ang kilay niya at may tamang hugis para sa isang lalaki. Matangos ang ilong niya at mapupula ang labi niya. His cupid's bow made him hotter. I suddenly want to taste his lips. Binasa ko ang labi ko habang nakatingin dito.

"Stop staring at me." Sabi niya sa isang mababang boses ngunit malalim pa rin iyon. Bakas na bakas pa rin ang pagiging lalako. Tumama sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Ang bango-bango niya talaga. Ang sarap niyang singhutin.

"Make me stop." Bulong ko at nagtaas ako ng tingin sa mga mata niyang kasing itim ng kalangitan tuwing gabi. Dumadagundong ang dibdib ko sa tuwing sasalubungin ko ang tingin niya na parang black hole. Hihigupin nito ang lahat ng kalakasan mo at gagawin kang mahina. Nanlalambot ako sa init ng titig niya.

Tumikhim siya at muling ibinalik ang tingin sa screen ng computer.

"Malapit na ang sunod niyong klase. Male-late ang teacher namin kaya nandito pa ako." Bigla akong natauhan. Naputol ang kaninang nararamdaman kong tensyon. Huminga ako ng malalim at pilit hinuhuli ang tingin niya. Kahit nakakapanghina, gusto ko pa. Nagsalubong lang ang perpekto niyang kilay.

"May twety minutes pa naman. Hayaan mo muna ako dito." Naiinis ako dahil sa pagliit ng boses ko. Parang hindi pa mag-proseso ng ayos ang utak ko.

"Wala ka namang ginagawa." Dahilan niya. Ngumuso ako. Bakit ba gustong-gusto na niya akong umalis?"

"Meron ah. Tinitignan ka." Tumalon naman ang puso ko ng bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya pero agad din namang nanumbalik ang seryoso niyang hitsura. Ngumuso lang ako.

"Kung gusto mong may tingnan buksan mo yung computer sa harap mo at mag-internet surfing ka. Entertain yourself. Don't waste your time staring at me." Umirap lang ako sa pagsusuplado niya.

"I'm not wasting my time. Ano bang pakialam mo sa gusto ko?"

"Because staring is rude." Umawang ang bibig ko at parang may pumiga sa puso ko.

"O-okay. I'm sorry..." Tumayo ako at naglakad na palabas ng pinto. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtikhim bago ako tuluyang makalabas. Ang hirap-hirap namang mapansin ng taong gusto mo kung siya mismo ang gumagawa ng paraan para sumuko ka. But no, I'm not even trying.

Wala akong gana sa buong klase. Halos antukin na nga ako sa boses ng teacher. Nabuhay lang ang dugo ko ng mag-uuwian na. Pagkalabas ko ng room ay kaagad ng nakasunod si Jomer.

"Sabay na tayong umuwi." Masigla niyang sabi.

"Okay." Walang gana kong tugon.

"Cheska!" Ngumiti ako ng lumapit sa akin sina Mika at Maidy.

"Tara mag-siomai." Aya ni Maidy.

"Sige." Inangkla ni Mika ang braso niya sa akin. Dumaan kami sa room ng STEM at naabutan ko si Von na kalalabas lang ng room, kasunod niya si Christine.

"Von magme-meryenda ka pa ba? Sabay na tayo." Halos masuka ako sa boses niya. Tumango si Von ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nilampasan namin silang dalawa.

"Kakainis ga 'tong si Mika. Bumili ka nga ng palamig." Tumawa lang si Mika at ibinalik na ang palamig kay Maidy.

"Gusto mo pang siomai?" Tanong sa akin ni Jomer. Umiling lang ako at ngumiti. Siya kasi ang nanlibre sa aming tatlo.

"Ako Jomer gusto ko pa." Umimik si Mika. Hinampas siya sa braso ni Maidy.

"Hayop nito. Kapag sa takaw." Saway niya.

"Hayaan mo na. Ate tatlo pa pong siomai." Ipinatong ni Jomer ang bente sa ibabaw ng lalagyan ng palamig.

"Uy sa akin na ang sukli ah." Hirit ni Mika at tumango si Jomer.

Nang matapos kaming lahat sa pagkain ay hinatid ako ni Jomer sa paradahan ng jeep. Sumakay ako sa may tabi ng driver sa unahan. Kinuha ko ang cellphone at headset ko. Nagpatunog ako habang inaantay mapuno ang jeep. Maya-maya lang ay bigla na lang tumaas ang balahibo sa batok ko at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Nakita ko sa mah side mirror si Von. Lumunok ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy niya. Nagtama ang braso namin at agad ko itong nilayo dahil sa boltahe ng kuryenteng dumaloy mula sa kanya papunta sa akin.

"Oh lalarga na." Sumakay na ang driver at pinaandar na ang makina. May inabot na dise-sais si Von at may sinabi sa driver. Pinanatili ko ang tuwid kong upo at ang diretsong tingin sa unahan. Ramdam ko ang titig niya sa akin.

Hindi ako naging komportable sa byahe dahil sa mga titig niya. Pakiramdam ko ay bumyahe pa ako pa-Manila dahil sa tagal kahit na kinse minutos lamang naman iyon. Tinagtag ko ang headset ko ng malapit na sa kanto.

"Para po." Tumigil ang jeep. Bumaba si Von. Inilahad niya ang kamay niya pero bumaba ako mag-isa. Umandar na paalis ang jeep. Nagtakip ako ng ilong ng umusok ang tambutso.

Tumingin ako sa kanan at kaliwa kung may nalapit na sasakyan. Nang makasugurong wala ay tumawid na ako. Rinig ko naman ang yabag ng paa niyang nakasunod sa akin. Pilit kong binibilisan ang lakad ko pero napapantayan niya pa rin ang lakad ko.

"Pasensya na kanina. I didn't mean it. You distract me from what I'm doing." Umimik siya pero umakto akong walang narinig.

"Uy." Tawag niya sa akin.

"I'm sorry."

"Bakit ka nag-sosorry? Alam ko namang distraction at malaki akong sagabal. Kailangan pa talagang ulit-ulitin?" Sarkastiko kong tugon.

"Mali ka ng iniisip. Distracted ako kasi..."

"Kasi ano?"

"Ang ganda mo."

 Love, Lust and Lies (DWS #2)Where stories live. Discover now