Chapter Three

822K 17K 3.9K
                                    

Tanya's POV

"Sino yung lalaking sumunod sayo kahapon?" Bungad na tanong sa akin ni Luis pagkaupo ko pa lang sa desk ko sa tabi niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hangga't maaari ayoko munang isipin si Wayne at ang sitwasyon ko. I tried distracting myself from thinking about it. At lalong ayokong pag-usapan iyon. Ayokong hayaang maapektuhan nun ang personal na buhay ko. Trabaho lang ang gagawin kong iyon at kapag nakaluwag-luwag na kami iiwan ko na ang trabahong iyon at ibabaon sa limot. Ipinangako ko sa sarili ko na pagtapos nun hinding-hindi ko na ulit iyon gagawin. Ngayon lang...

"Sinabi ko na sa'yo kaibigan ko siya." Ibinuklat ko ang libro ko at kunwaring nagbasa. 

"Kailan ka pa nagkaron ng kaibigang may magandang kotse? Saan mo siya nakilala?" Walang bakas na emosyon ang boses ni Luis.

"Porket ba mahirap ako hindi na ako pwedeng magkaron ng kaibigang may kotse?" Pabirong sabi ko.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin, Tanya!" Seryoso ang mukhang sabi niya.

"Alam mo, huwag na nga nating pag-usapan yun." Bumuntong-hininga ako.

"Isang taon na akong nanliligaw sa'yo..." Mahina pero may diin na sabi niya.

"Luis, una pa lang sinabi ko na sa'yo na walang patutunguhan yang panliligaw mo sa akin. Wala pa akong balak mag-boyfriend at isa pa parang kapatid na ang turing ko sa'yo. Mas maganda kung maging magkaibigan na lang tayo."

"Ayaw mong magboyfriend pero sumasama ka agad sa lalaking may magarang kotse? Kailangan ko pa bang bumili ng kotse para lang sagutin mo na ako?" Sarkastikong sabi nito bago umiling-iling.

"Mali ang iniisip mo. Nakilala ko lang si Wayne dahil sa kaibigan ko sa trabaho. Tinutulungan niya ako na... na makakuha ulit ng scholarship." Kinailangan kong magsinungaling para hindi na magsuspetsa pa si Luis at matapos na ang usapan na ito. 

"Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit sumama ka sa kanya?" Tanong nito.

Pilit akong ngumiti at tumango. Nakilala ko si Luis noong freshman pa lang ako dahil naging magkaklase kami sa isang subject mula noon naging magkaibigan na kami. Nagulat na lang ako isang araw ng sabihin niya sa akin na gusto niya ako at gusto niyang ligawan ako. Hindi ako pumayag dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanya at isa pa marami akong mas dapat iprioritize kaysa sa pagboboyfriend pero sabi niya handa siyang hintayin ako. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw niya kahit ilang beses ko na siyang sinasabihan na wala naman mangyayari sa panliligaw niya.

Wayne's POV


It was Seth's birthday today and the guys were already talking about how they would celebrate it later. If it was any other day I would be as excited as them. I mean, who wouldn't? Free unlimited booze and hot chicks... our own version of heaven. But right now, I just don't feel it. I wanted to fuck. And I knew not any girl would do. I just wanted Tanya. It was like craving for a food you've never had but you'd know at once, if you could just taste it you'd finally be satisfied.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon