Chapter One

1M 19.1K 3.2K
                                    

Tanya's POV

"Tanya!" Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng marinig ang boses ni aling Moning at ang malalakas na katok niya sa pinto. Limang buwan na akong hindi nakakapagbayad ng upa dito sa apartment. Gipit na gipit kasi kami sa pera nitong mga nakaraang buwan. Hindi sapat ang sinusweldo ko sa pagtatrabaho sa isang fast food restaurant para sa lahat ng bayarin sa bahay, sa eskwelahan at isama pa ang gamot ni nanay. Halos kalahati kasi ng gastusin sa pagpapagamot niya napupunta pero wala akong pakialam kahit mapunta pa doon ang buong sweldo ko, ang mahalaga gumaling siya. 

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni aling Moning. 

"Ano? Kailan niyo balak magbayad? Sapat na siguro ang limang buwan na panugit na ibinigay ko sa inyo." Nakataas ang kilay at nakapamewang na sabi niya.

"Aling Moning, pasensya na po talaga. Nagkasakit kasi si nanay, kinailangan namin yung pera para sa pagpapagamot sa kanya." Nahihiyang sabi ko.

"Naku naman, Tanya! Naiintindihan ko na may sakit ang nanay mo pero hindi ito charity. Dito kami kumukuha ng ikinabubuhay namin." 

"May konti naman po akong perang naitabi pangbayad sa inyo." Sabi ko bago ako dumukot sa bulsa ko at kinuha ang wallet ko. Inabot ko sa kanya ang lahat ng natitirang perang meron ako. 

"Ito lang?" Inis na sabi niya nang matapos bilangin iyon. "Isang buwang renta niyo lang ito! Limang buwan na kayong hindi nagbabayad at ito lang ang ibibigay mo sa akin?"

"Huwag po kayong mag-alala, gagawa po ako ng paraan para mabayaran ko lahat ng utang namin. Bigyan niyo lang po sana kami ng konting panahon." Pakiusap ko. 

"Sige, dahil naaawa ako sa inyo bibigyan kita ng dalawang linggo. Kapag hindi ka pa rin nakapagbayad pasensyahan na lang tayo." Sabi niya. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya bago siya umalis. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga ng maisara ko ang pinto. Kailangan ko na talaga ng pera. Hindi na ako pwedeng umatras sa gagawin ko. Oo, imoral ang gagawin kong iyon pero ano pa bang gagawin ko sa moralidad  ko kung kumakalam na ang sikmura naming mag-ina at natutulog na kami sa kalye?

"Sino iyon?" Tanong ni nanay nang lumabas ito galing sa kwarto niya.

"Si aling Moning po, nay." Sabi ko.

"Ano'ng sabi?" 

"Naniningil na naman ng renta pero nakapagbayad naman ako ng isang buwan." Sabi ko habang inilalabas ang mga gamot niya. Iilang tableta na lang ang natitira doon. Hindi na nga siguro ito aabot ng isang linggo. Saan na ako kukuha ng pera pangbili ng gamot? Ni isang daan piso nga wala ako ngayon, malayo pa ang araw ng sweldo ko. Nag-aalala na ako pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. "Nay, inumin niyo na po itong gamot niyo."

 "Tanya..." Sandali niya akong tinitigan bago siyang nagsalita ulit. "Alam kong nahihirapan ka na, anak. Pasensya ka na ha. Nagiging pabigat pa ako sa'yo."

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon