Crush (Part 6)

4.3K 36 9
                                    

"Don't wait for the perfect moment. Take the moment and make it perfect."

====================================================================

====================================================================

Palakpakan.

Lahat ng nasa quad ngayon, pumapalakpak.

"Wohooo! Ang galing ni ate!"

"Yes naman!"

"Go Alice! Go Alice, go!"

"Isa pa! Isa pa!"

Pero nag-zone out ako bigla sa super dami ng tao. At ang tanging nakikita ko lamang ay:

Si Ian at si ate Xyrielle, magkausap. Parehong nakangiti. Magkasama. Masaya.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? 'Di ko nagugustuhan. Ayoko, mali talaga eh. Mali.

Umalis na ako sa stage. Nagpasalamat ng marami si ate Mitchie, tumango nalang ako. Nagpaalam na ako sakanila at kay kuya Gab pero bago 'yun, sabi ko good luck sa performance nila. Nag-sorry nalang ako sa isipan ko kasi 'di ko sila mapapanood.

Iniwasan ko lahat ng taong nakabunggo sakin. Ngumiti nalang ako kapag may babati or may magco-congratulate sa performance ko.

Pero 'di ko kayang tanggapin yung mga sinasabi nila.

Kasi para sakin, balewala lang lahat nang 'yun.

Paano ba naman? Yung taong gusto kong makarinig nun, hindi niya napansin. Wala siyang pakielam. Busy siya makipagusap sa iba.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero biglang uminit ang buong katawan ko at may konting, konting luha nang nakikita sa mukha ko.

"Alice!"

"Alice, ba't ka umiiyak?"

Nilapitan agad ako ni KC, Trixie at ni Alyson. Binigyan ko ng tingin si Alyson at naintindihan niya agad. Lumingon siya sa direksyon kung nasaan silang dalawa ngayon. Napatingin si KC at si Trixie sa isa't isa na parang naguguluhan. "Alyson, sabihin mo na sakanila," sabi ko sakanya. "Ayos lang?" Tumango ako at yun, nalaman na nila KC at Trixie ang nangyayari.

"CR lang muna ako."

"Grabe, sorry talaga Alice. Hindi mo naman kasi sinasabi samin e."

"Okay lang yun."

"Sige, sige. Dito lang kami sa may lockers kapag babalik ka na ah."

Nagsimula nang mag-perform sina ate Mitchie. Intro palang alam ko nang magaling sila. Pero, hindi ko talaga kayang panoorin sila ngayon. Kailangan ko muna mapag-isa.

Swerte ko nung pagdating ko sa CR, walang katao-tao. Lahat sila ineenjoy ang music sa labas. Naghilamos muna ako ng mukha, pulang pula na kasi siya e. Pagtingin ko sa salamin, hindi na masyadong halata yung luha. Buti naman.

Kinurot ko yung sarili ko ng sobrang higpit. Masochist kasi eh. Hahaha.

"Ikaw kasi. Yan, kasalanan mong umasa. Ikaw ang dapat sisihin, hindi siya. Bakit ka pa naging assuming? Sabi sayo masasaktan ka lang sa huli."

Hay, tama nga naman ako. Bakit ngayon ko lang to naisipan ng mabuti? Wala naman talaga, wala. Wala akong mapupuntahan sa paga-assume ko kay Ian. Isang hamak na crush ko lang siya. Hindi ako mahalaga sa buhay niya. Kailangan kong tanggapin 'yun.

Kasi. . . hindi naman porket gusto ko na siya, magugustuhan niya rin ako. Sadyang may minamahal na siyang iba ngayon. Kita naman 'yung proof diba?

Ngumiti ako. Masaya naman si Ian na wala na ako sa buhay niya e. Masaya rin si ate Xyrielle. Diba dapat maging masaya na ako? Nakamit na nila yung gusto nila. Dapat ako rin. Para hindi ako mapag-iwanan. Hindi dapat ako magtagal sa lugar na hindi naman dapat na ako'y nandun. Kailangan ko nang umalis, mag move on.

Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon