Crush (Part 2)

11K 50 24
                                    

"Smile when it hurts most."

=======================================================================

=====================================================================

"Anong oras na?"

"Oras na. . . para kumain!"

"Hahahaha! Ang corny mo."

Habang nagtatawanan 'yung mga kaibigan ko, ako naman. . . Sige, kain lang. Haha. Wala kasi ako sa mood na makipag-asaran sakanila e.

Napansin ata nila yung pagkatahimik ko. Dati-rati kasi, ako 'yung nangunguna sa kalokohan. Ewan ko rin kung bakit hindi ko feel makisali.

"Ang lalim, Alice! Lalim."

"Hukayin natin, gusto niyo?"

"Grabe. Kumain na nga lang kayo, ang co-corny ninyo."

"Nagsalita din!"

"Ewan."

"Iniisip niya kung sino gusto niya kasayaw sa DN."

"Puro nalang Dance Night nasa isip mo, Trixie!"

"Excited masyado, 'teh?"

Hay. Nagspace-out na ako sa usapan nila, biglaan nanaman napunta sa DN - Dance Night - e. Buti nga these past few days tinigilan na ako ni Trixie sa pagtatanong kung pupunta ba ako sa DN o hindi, kasi nung isang araw, sinabi ko na sakanya na pupunta ako. Wala naman akong magagawa, boring naman sa bahay. Tsaka sasama din naman si Alyson at si KC, sila pa 'yung iba kong kaibigan na naga-asaran ngayon.

Ayaw ko naman maleft-out kaya might as well um-attend nalang.

Nakakasawa na, napunta nanaman sila sa usapang crush-crush. Nagka-issue kasi na 'yung isang lalaki na taga ibang section may crush kay KC at obsessed daw sakanya. Hmp, pag ako tatanungin niyo, pinaglalaruan lang yan si KC. Malapitin kasi sa lalaki kaya ganun. E 'yung ngayong nai-issue ay isang playboy, andami na daw yang napaiyak. Ayaw naman maniwala ni KC, kinikilig pa nga kahit ayaw aminin.

"Binigyan ka pa nga ng roses e! Diba, 'yung nasa locker mo? Diba, Alice, nakita natin 'yun? Diba?" Kailan ba tatahimik si Trixie kahit isang saglit lang?

"Oo."

"Ano ginawa mo sa roses? Ayie! Kilig much, KC!"

"Inuwi, syempre. Pero sabi ko sa Mama ko galing sainyo. Haha."

"Sunud-sunod na yan, KC. Promise."

"Wag mo naman siya ipaasa, Trixie. Mamaya pinaglalaruan lang niya si KC," sabi kong ganun at biglang tumahimik si Trixie. Alam naman niyang tama ako. Gusto lang naman niyang sumaya si KC.

"Nga naman, tama si Alice. Palibhasa experienced na." Nginitian ako ni KC. Lumaki mata ko bigla sa sinabi niya.

"Lul! Wala nu."

"Suuure. Walaa."

Exaggerated naman tong si KC. Sa totoo lang, hindi ko sila pinagkukwentuhan tungkol sa love life ko (kung meron man) kasi masyado silang OA. Para nga sila 'yung nasa sitwasyon ko imbes na ako talaga, kaya ayun. 'Yung mga dati lang ang na-ikwento ko sakanila, pero not the whole truth.

Ang taong sinasabihan ko lang nang lahat lahat ay si Alyson.

Oo, best friend ko silang tatlo. Kaso, sakanya lang ako comfortable kasi.

"Wag ka na mag-absent ng ganun ka-tagal ah! I was stuck with KC and Trixie for the whole week. Kita mo naman kung gaano ka nila na-miss nung naglunch tayo."

Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon