Crush (Part 5)

4.9K 42 12
                                    

"We should love, not fall in love. Because everything that falls, breaks."

===================================================================

===================================================================

Ian Vicente at Xyrielle Ronquillo.

Bagay ba? Hmm. . .

Magkaibigan naman sila, mukha namang silang close. May itsura naman sila pareho.

Hala. May chance ngang pwedeng maging sila.

"Lalim nanaman ng iniisip nitong babaeng to. Yoohoo! Earth to Alice. Okay ka lang?"

Napunta nanaman ako sa hot seat nung gumala kaming apat sa Rockwell pagkatapos ng Christmas Party. Nung una, ayaw ko nang sumama dahil may chance na makita namin sila Ian. Lagi silang pumupunta sa Rockwell ng mga kaibigan niya e, mas lalo naman ngayong panahon na to, diba? Napilit lang ako nina KC at Trixie kasi, si Alyson nga parang ayaw rin niya pero um-oo nalang din. Buti nalang di namin nakita sina Ian. Salamat.

Besides, wala naman kaming gagawin dun e. Busog na dahil sa pagkain sa Party tsaka pagod na rin. Sabi ni KC to kill time nalang daw. Nang-asar naman tong si Trixie na kailangan daw magpa-ganda ni KC para kay Andrei sa Dance Night mamaya.

Pero hindi rin nagtagal, umuwi na kami isa-isa. Syempre sabay ng sasakyan pero nagkaiba na ng ruta kayna KC at Trixie. Kami ulit ni Alyson ang natirang magkasabay.

Nung naglalakad na kami, napatingin ako kay Alyson at nagtanong, "Sa tingin mo ba talaga para sakin 'yung kantang 'yun? Or kay ate Xyrielle?"

"Yun ba yung pinagiisipan mo kanina sa Rockwell?"

"Maybe, maybe not."

"Sure akong para sayo 'yun! Alam ko may iba si ate Xyrielle e."

'Di naman kami gaanong ka-close ni ate Xyrielle pero nakausap ko na siya once or twice, chat nga lang. Pag napapadaan ako sa FB timeline niya, lagi sila nagwo-wall to wall chat ni Ian. Kung hindi naman, itatag niya sa status. At ang malala pa, may picture silang dalawa. Silang dalawa lang. :|

Hindi naman sa naiinggit ako or nagseselos. Nalulungkot lang. Kasi malaki ang posibilidad na magkagusto sila sa isa't isa. One, magkaklase sila. Two, magka-vibes sila. Three, close na sila the minute they became classmates. Four, nakikita nila ang isa't isa araw-araw.

Musta naman ako? Nganga. Nawalan na nga ng communication sa personal, pati sa chat naglalaho na. Ouch lang.

"Sino naman iba nun?"

"Aba malay!" Grabe naman kasi, Alyson. Nagtatanong lang ako, okay? Yan ang problema. 'Di kami sure, at ayoko rin magjump into conclusions. Magkamali pa, ako pa ang sisihin.

Kasi, bakit ganun? Nagkataon lang ba talaga na nandun kami habang kinakanta ni Ian 'yun para kay ate Xyrielle? Or naghahanap lang talaga ng moment si Ian na makita niya ako at sumakto na may dala syang gitara at napadpad ako sa lugar na yun?

NAGUGULUHAN NA AKO. KAILANGAN KO MALAMAN ANG TOTOO.

Oh well, 'di na ako nagsalita pa. Ayoko nang humaba 'yung issue. Mehehe. Joke lang. Magpa-part ways na kasi kami ni Alyson. Diba nga, magkaiba lang kami ng street?

"See you sa BOB at Dance Night mamaya."

"Ikaw rin. Ingat, Alyson. Bye!"

Pag dating na pag dating sa bahay, hilata agad ako sa kama. Naglagay ng unan sa mukha at sumigaw.

Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon