Crush (Part 1)

32.5K 117 41
                                    

COVER MADE BY: Jenny20

"If you love somebody, let them go. If they return, they were always yours. If they don't, they never were."

===================================================================

===================================================================

Lahat naman tayo, at some point in our life, mahuhulog sa isang tao ng sobra-sobra.  Without us knowing.

'Yung kasi 'yung nakakainis doon eh. Manghuhuli na nga lang si kupido, sa maling oras pa. Lalo na, sa maling tao. Kaya mostly, we can never hide the fact that we feel rejected or that we regret assuming that the one that caught our heart, never intended to love us.

Eh wala namang kasalan yung mga taong nagmamahal. Andiyan na eh. Maaari pa bang maibawi 'yun? Ang sakit naman nun, 'di ba kayo napapa-isip? Kung ayaw talaga sa'yo nung tao, wala kang choice kundi kalimutan ang nararamdaman mo sakanya. For the sake of your heart not being torn into pieces because of just one person that you loved.

Diba? Siguro habang binabasa niyo 'to, napapaisip na kayo. Bakit ang bitter ni author?

Hindi naman sa bitter ako. Ganun talaga eh. One in a million lang ata ang nakakamit ang gusto nila pag dating sa love. Tapos dadamayan nila yung mga kaibigan nilang bigo. Ipamukha pa talaga, ano?

Pero, sabi ko nga sa simula... Hindi mo madedeny na kahit minsan, meron talagang isang tao na hindi mo maintindihan kung anong pinaramdam niya sa'yo.

At alam mo, sa sarili mo, na hinding hindi mo makakalimutan yun.

Paano ba naman? Muntik mo na siyang maging first love eh.

Kung saka-sakaling tinuloy mo yun, ibabalik ba niya sa'yo ang nararamdaman mo para sakanya?

One in a billion.

______________________________________________________________________

Lagi kong nakakalimutan na hindi dapat ako nagpapahulog sa isang tao. Masyado na akong maraming na-exprience na ganyan, which just resulted to heartache. Oo, hindi pa heart break. Kasi, 'di naman naging kami tsaka 'di naman ganun ka-seryoso ang nangyari sa'ming dalawa kaya heartache muna. Chos, may ganun ganun pang nalalaman kasi eh. Hahaha!

Anyway, hindi naman masamang magmahal. Eh paano pa kaya kapag may pagtingin ka lang? Isang hamak na crush?

'Yun na nga yun eh. Dyan nagsisimula lahat.

At 'yun ang pilit kong iniiwasan. Kaso lang, lalo pa akong napapaunta sa direksyon na maaring mahalin ko na yung taong yun.

"Alice! Pupunta ka sa Dance Night, diba?"

"Ang kulit mo, alam mo yun? One month pa bago mag December."

"So, pupunta ka nga?"

"Kapag sinabi kong pupunta ako, mananahimik ka na muna?"

"Kailangan ko malaman kung pupunta ka talagaa."

Ay grabe. Minsan napapaisip ako kung bakit ako nagkaroon ng best friend katulad ni Trixie. Mabait naman yan e. Matalino tsaka maganda rin. Kaso lang, kapag meron siyang bagay na gusto talaga, pinupursigi niya yun. Na-gets niyo ba? Like for instance, yang Dance Night na yan.

"Shh, Trix. Andyan na si mam."

Totoo namang andito na yung English teacher namin, e sa time niya by alphabetical order ang seating arrangement. Ignacio ako samantalang siya ay Santiago. Hay salamat, kahit minsan mahihiwalay ako sa bunganga ni Trixie. Hahaha. Joke lang.

"Okay, class. Whe're not going to discuss today --"

"YEHEY! WOHOO!"

"Shh, quiet class! But! We're going to have a reading session."

"AWW."

"Turn your book to page 342."

So 'yun, kinuha na namin lahat ng libro namin sa English at nagbasa. Isa syang four-page narrative at mukhang 11 pa ata font size. But oh well papel, mas mainam na sundan ang teacher kaysa magbulakbol nito. Major subject pa naman ang English.

Nagsimula na akong magbasa, kaso hindi mawala-wala sa isip ko 'yung Dance Night.

Trixie kasi e. >_<

Second year na ako kaya na-experience ko na yang Dance Night na last year. I didn't really have a great time, but I enjoyed it. Half-heartedly lang naman. Masaya naman, kasi kasama ko sumayaw mga kaibigan ko, tapos tawa lang kami ng tawa. Tsaka konting nakakabad trip kasi. . .

'Yung crush ko nung time na yun, kasayaw 'yung nililigawan niya. </3

Nag-joke pa nga kami ng mga kaibigan ko na bigla nalang siyang pupunta sa harap ko kapag naka-upo nalang ako dun sa parang swing-like na bench katabi ng pond, tapos mag-isa lang ako.

Kapag naging slow song na, sasabihin niya sa akin, with matching outstretched hands, "Can I have this dance?" Tapos magpapakipot pa ako, pero tatanggapin ko din naman. Charot.

At kapag nahawakan ko na kamay niya, SPARKS WOULD FLY ALL AROUND AND IT WOULD FEEL LIKE WE'RE THE ONLY TWO PEOPLE ON THE DANCE FLOOR. <3

But of course, bakit nga ba niya gagawin sa akin 'yun?

Isa lang akong taga-hanga niya. Wala ng iba.

Syempre ginawa niya yun sa mahal niya. Hindi sa akin.

Kaya nga pilit kong kinakalimutan ang araw na 'yun, kaso ayaw ko naman masayang yung panahon na mga kaibigan ko ang nagpasaya sa akin.

It remains as a bittersweet memory.

Kaya alam niyo ba, dun ko na-realize na dapat talaga tinitigil ko na ang pagka-drama ko. Wala akong nararating sa buhay e.

Simula nung araw na yun, sabi ko sa sarili ko na: "Alice, matauhan ka na nga. Di ka nga kilala ng tao, iiyakan mo ng ganyan! Natural, sasayawin niya yung gusto niya at syempre hindi ikaw! Grow up, be brave! Stop it with your fantasies, it's just tearing you apart."

Wake up, Alice! Wake up!

Kailangan mong tapusin na basahin ito, kundi mapapagalitan ka ni mam. Tsk, bad yan k?

"Alice, okay ka lang?"

Napatingin ako sa katabi ko sa left (nasa aisle kasi yung upuan ko) tapos nakita kong nakatingin sa akin si Liselle na parang nag-aalala.

"Oo naman. Ba't?"

"Kanina ka pa tulala diyan e. Kulang nalang tumulo laway mo. Sino ba iniisip mo, ha?"

Echosera talaga 'to. Pwede bang mind your own business nalang?

"Wala, wala."

"Wehh?"

'Di ko nalang siya sinagot, walang kwenta naman kasi 'yung tanong niya eh. Pero, kita niyo na yung epekto ng pagiisip sa mga walang kwentang bagay?

Lumingon ako sa wall clock ng classroom namin. Shiz, twenty minutes nalang.

Alice, focus! F O C U S. Nawawala ka nanaman sa realidad.

At 'yun, sinimulan ko na yung over sa kahabaan na narrative na pinapabasa sa amin ni mam.

Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon