Kabanata 13

13 0 0
                                    

Kabanata 13

Floral Scent


Mabuti naman at kahit papano, di ko na masyadong poproblemahin ang ipeperform bukas.

Dahil nagpadala ng saviour si God sa katauhan ni Sungit kutong lupa.

Ah eh Este Auel!

As usual, boring parin sa klase. Halos wala na ngang gawin dahil lahat ay abala na sa pag gawa ng mga projects.

"O-my!!!!!!" -sunod sunod na tilian na ang narinig ko matapos ng sigaw na yun

"Ang swerte naman ng section natin para puntahan nya!"-

"Ang gwapo nya talaga!"-

"Bat kaya sya nandito?"

Sa tono palang ng mga salita nila, parang alam ko na kung sino ang nasa labas ng pinto.

Di pa man sya tuluyang nakakahakbang sa loob ng room namin, pinagkaguluhan na agad sya ng malalandi kong kaklase.

"Hi Jael! What brings you here?"

"Lilipat ka na ba ng section?"

"Magiging kaklase ka ba namin? "

"Omg! Bakit ang gwapo mo naman sa malapitan?"

Nakapalibot na agad sa kanya ang mga babae kong kaklase. At sa lahat ng mga tanong nila, puro pag ngiti at pagpapa-cute lang ang sagot nya.

Bakit nga ba sya nandito? Tuloy naiirita na naman ako sa presensya nya.

"Excuse me ladies.. I have an important business here lang kasi...."
-plastic nya talaga. Halata sa mukha nya na napipilitan nalang syang ngumiti sa makukulit nyang fans sa room

Tsk.

Bago pa ako mairita na naman nang tuluyan, nagkunwari nalang akong pupunta ng CR namin.

Pero bago pa man ako makahawak sa door knob nito,
Pamilyar na kamay na ang humawak sa braso ko.

"Shit"- mahinang bulong ko

"Wait. Ash.."
-mahinahon ang pagbigkas nya nun na parang ang bait bait nya.

Hinarap ko sya kahit gustong gusto ko na syang bastusin sa mga oras na yun.

"I... I just came here to ask you something...."-
Nakaawang ang bibig nya na para bang hinihintay nya ang response ko.

Pero naghihintay lang sya sa wala.

"About sa project ni Maam Trinidad, I've heard na pwede raw maghanap ng partner sa ibang section.. Hmm...

"G-Gusto ko sana ikaw maging kapartner ko"

Halata sa boses nya ang takot sa pwede kong isagot.

Tahimik lang syang nag hihintay sa sagot ko.

"May partner na ko"
Tipid parati ang sagot ko lalo na pagdating sa kanya.

"S-Sino?"-

Tinanggal ko na ang kamay nya sa braso ko at tuluyan nang pumasok sa CR.

Pati ba naman yun kailangan nyang malaman? Daig nya pa magulang ko ah.

Tsaka lang ako lumabas nang naramdaman kong wala na sya sa room namin.

Worth It To TreasureWhere stories live. Discover now