Kabanata 11

3 0 0
                                    

Kabanata 11

Para sa Project Lang


          

         Nagtataka parin ako kung bakit yun nasabi ni Auel. Nakasalubong nya ba si Jael papunta ng unit ko kaya inakala nya merong something samin?
Well... Bahala sya.

Kung ano man yung ibig nyang sabihin dun, ang importante alam ko yung totoo

Buong week, naging busy ang lahat ng estudyante sa Section namin, nung mga sumunod na araw kasi ay puro pagbibigay ng Activities at Projects ang inatupag ng teacher namin

May galit ata si Maam Trinidad samin eh


Nag assign sya samin ng kung ano anong project projectan. Tinatamad lang yun mag turo samin, kaya kung ano anong pinapagawa.
Groupings yun.

Kaya naman medyo nahirapan akong maghanap ng group kung saan ako sasali. Wala naman akong ka close kahit isa sa kanila. At wala rin namang nag akit sakin na pumunta sa grupo nila.


Kaya nagpaalam nalang ako na Mag Individual nalang. Pumayag naman si Maam kaya okay narin. Sanay naman ako sa gantong sitwasyon eh, kaya ko naman mag isa.

Hindi ako sanay makisama, dahil pakiramdam ko wala akong dapat pagkatiwalaan na kahit sino

Lalo na patungkol sa buhay ko.




___
Habang nakahiga ako sa kama ko, pinag iisipan kong mabuti kung paano makakahugot ng inspirasyon sa Gagawin kong kanta

Kailangan naming mag compose ng sariling kanta para sa project namin, at bukod dun, kailangan may intsrumental na kasama

Mangangamote ako nito eh. Mahilig ako sa Music pero di ko alam kung kaya ko bang mag compose ng kanta. Wala naman akong Makukunan ng inspirasyon kasi hindi naman ganun ka ganda ang buhay ko.

In one word..

BORING

WALANG KABUHAY-BUHAY. Parang isang drawing na puro sketch lang at walang kulay.


Pinipilit kong magsulat pero wala talagang magandang words ang pumapasok sa utak ko. Ilang gabi na rin akong napupuyat.

Thursday na bukas, at Friday Kailangan na namin iperform yun. Sila groupings, at ako, mag isa lang. Tapos ganto pa'

Walang laman ang utak ko ngayon.




Bukas kailangan meron na akong gawa. Dahil kung hindi, pati Grades ko mangangamote.





Lumabas ako ng Unit ko. Dala dala ko ang Notepad ko sa Rooftop, baka sakaling pag ganito ang view may maisip akong mga words.


"Anong ginagawa mo dito?"-
Napalingon naman ako kaagad sa nag salita.

Si Auel. Naka Dark Green na Long sleeve sya ngayon. Medyo Loose yun sa kanya tingnan pero somehow, still fits with him

"H-Huh? W-wala"-
Binalik ko na lang ulit yung atensyon ko sa Pagsusulat.

Naramdaman ko na lang na humakbang sya papalapit sakin. And this time.. Ilang centimeters lang ang pagitan ko sa kanya

Napalingon ako sa kanya, pero sa iba sya nakatingin. Sa ibaba. Sa mga kotse na nakaparking sa labas ng apartment building. Lumagok sya ng Canned Softdrinks na iniinom nya ngayon.


Worth It To TreasureWhere stories live. Discover now