Kabanata 10

4 0 0
                                    

Kabanata 10

Sinong Boyfriend?

          Kinukusot kusot ko pa ang mata ko habang naghihikab na tinungo ang pintuan ng unit ko. Sino ba kasi to, kasagsagan ng tulog ko tsaka mang iistorbo.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob at bumungad sakin ang nakakainis nyang mukha. Ng Taong pinaka kinaiinisan ko nang palihim.

Nakasuot sya ng Long sleeves at pants .
Nakasumbrero sya at nakayuko na para bang kailangan nya yun para mag Disguise'
Tsk.

Napaawang nalang ang bibig ko. Anong ginagawa nya dito? Bakit nya naisipang pumunta dito?

Nakakasura talaga ang pagmumukha ng lalakeng to! Kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko sya, pero syempre hindi pwedeng ipaalam sa kahit na kanino. Lalo na ang tungkol sa kakilala ko sya.


Bago pa man ako makapag salita ay agad na syang pumasok sa unit ko. Nang walang pakundangan sa nasa harap nya. Sa may ari ng unit nato.
Sakin.

Nilagpasan nya lang ako.

Ang kapal talaga ng mukha nya kahit kailan.

Diretso syang humilata sa sofa ko na parang at home na at home sya sa unit ko.

"Anong ginagawa mo dito?"-nakapamewang ako nang sabihin yun sa kanya.

"Ano pa? Edi sinasamahan ka"-
Humalukipkip sya.

"Ang kapal mo rin talaga eh noh, Lumabas ka na"- tinuro ko ang nakabukas na pinto sa tapat nya

"Oh.. Rellax lang Ash, look."-inayos nya ang upo nya.

" Pinapunta ako ni Tita Miranda dito.
Sabi ng Mom mo, di ka raw nya ma contact eh. Kaya tinawagan nya ko. Nag aalala lang ang Mom mo sayo"-

"Jael, alam ko. Well, pakisabi nalang na nasira ang phone ko accidentally kaya di nila ako ma contact. You may go now"-
Seryoso ko lang syang tinitigan.

Pero parang mukhang Joke lang ang lahat ng sinasabi ko sa isang to


"Ano ka ba.. I can stay here whenever you wanted me to, sasamahan kita kung bored ka"-
Tumayo sya at akmang hahawakan ang kamay ko pero iniwasan ko iyon.

"Lumabas ka na..
Pakiusap lang"-mahinahon ang pagkakasabi ko nun pero di parin sya gumagalaw.


Kaya napilitan na akong komprontahin sya.

"Hindi mo ba naiintindihan Jael? We need to be friends just because of our family's business. Kahit ayoko. Kaya hindi mo na kailangang magkunwari sakin dahil hindi kita gusto. Di ako kasing cheap ng mga babaeng nagkakagusto sayo dahil sa Quizon ka, at kilala sa school ang history ng pamilya mo. Ibahin mo ko sa kanila dahil di ako interesado sayo. Kaya PAKIUSAP LANG. Please...
Just Go out of my Unit"-


"P-Pero gusto ko lang namang kamustahin ka... Samahan ka...
I just want to take care of you...
Not because Your Mom wants me to do. But because I really wanted to Take care of you......
Kahit..... Kahit as Friends lang"-

Sa tono ng pananalita ni Jael, parang dinalaw ako bigla ng awa. Maybe sa sinabi nya.. He just really want good intentions for me, pero still.... Ayoko

Worth It To TreasureWhere stories live. Discover now