Kabanata 1

44 0 0
                                    

Kabanata 1

THE PAST




            Sunud-sunod ang paghikbi ko, Hindi ko na rin halos malanghap ang hangin mula sa ilong ko dahil barado na ito sa patuloy kong pag iyak

"Gerard, Please Wag naman ganto"
- Mahigpit ang hawak ko sa kamay nya habang dala ng stretchers papunta ng E.R



"Gerard please, Gumising ka.. Nandito na ko"-
Patuloy parin sa pagluha ang mga mata ko

Pinagmasdan ko ang mukha nya, baka sakaling may kahit isang detalyeng magpakitang naririnig nya ako sa ngayon


Pero wala na



Hindi ko alam ang gagawin

Kasalanan ko ito. Kung sana hindi ko sya iniwan, hindi sya magkakaganito



"S-Sorry... Sorry.. Andito na ko, Gumising ka na please, Wag mo kong iwan"-
Hindi ko na alam ang dapat kong gawin para lang magising na sya mula sa pagkakatulog nya

"Bata, hanggang dito na lang
Bawal ka sa loob "-

Pag awat sakin ng isa sa nurse dun




Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak, wala na akong pakielam kung mugto na ba ang mata ko o ano.
Ang gusto ko magising na sya at malaman nyang andito na ako

Bawat segundong lumilipas ay ang pag bigat din ng bawat pagkabog ng dibdib ko.

Naiisip ko parin lahat. Ang nangyari kanina


Kasalanan ko ito, dapat noon ko pa sya naisip puntahan sa bahay nila para malaman ang kalagayan nya, pero hindi.

Nagpatalo ako sa utos ng pamilya ko na layuan ko sya

Kaya ngayon, eto

Ako ang may kasalanan kung bakit nag over dose sya ng gamot.



"Ilang araw syang hindi lumalabas ng kwarto nya, akala namin mas tamang hayaan nalang muna sya
Kasi kailangan nya yun
P-Pero nung pangalwang araw na, nag alala na kami at pinilit buksan ang pinto ng kwarto nya, At.. At"
-di na napigilan ni Gellai ang pag iyak tungkol sa nangyari sa kapatid nya.



"Dun namin nalaman na Nag Over dose sya ng gamot"-
Tuloy sa pag hagulhol ang boses nya at lalo akong na gi guilty.

Bumukas na ang pintuan ng Operating Room at napatayo kaming dalwa ni Gellai nang makita ang lumabas na Doktor



"K-Kamusta po ang kapatid ko Doc?"

Hindi namin mabasa ang ekspresyon sa mukha nung doktor

Hanggang sa tinanggal na nito ang mask na suot nya at Unti unting sinabi samin ang salitang

"WALA NA SYA"-




"Dok! Hindi pwede! Gumawa kayo ng paraan please, Dok"-

"Sorry Miss, We Did our best, pero almost 24 hours ago na nung nag over dose sya kaya naman imposible nang ma revive pa sya"-
Tinalikuran na kami ng doktor at doon na naglandas muli ang mga luha sa mata ko





Ako ang may kasalanan. AKO

At sana ako nalang yung kinuha, sana hindi nalang sya. Kasi deserve ko yun dahil sinaktan ko sya.

Wala akong kwenta



Inuna ko ang gusto ng pamilya ko more than the First Boy I've Loved.

At ngayon, wala na sya.

Hindi ko na kinaya ang nangyari. Parang gusto ko nalang din mawala

Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad palabas ng Ospital

Nakasalubong ko ang Mama ni Gerard




Buong lakas nyang hinawakan ang magkabilang braso ko
"Masaya ka na ba? Ha? Masaya ka na? Nawala na si Gerard samin dahil sayo! Masaya ka na ba?"-
Nakikita ko sa mga mata nya ang pagkamuhi sakin

"S-Sorry p-"




"Maibabalik ba ng Sorry na yan ang lahat sa Dati? Hindi!!"-
Ramdam ko na ang bigat ng kamay nya sa braso ko

Lumapit na ang Papa ni Gerard at inawat na ang Asawa nya



"A-yoko nang makita ka kahit kailan, wag ka nang lalapit samin! Kahit sino sa pamilya ko! Umalis ka naaaa"
Wala akong nagawa kundi ang patakbong lumabas ng ospital at umuwi samin ng umiiyak


Nagtaka silang lahat nang makita nila ako,
Pero diretso lang ako sa kwarto ko at ini lock iyon

Wala silang alam

Ang alam lang nila ay pag bawalan akong magkagusto sa isang lalake na hindi namin Ka level

Na Hindi Anak Mayaman.

Yun lang ang alam nila!



Sa araw na yun, gumuho ang mundo ko

Kung alam ko lang na yun na ang huling beses na makikita ko sya..
Na mahahawakan ko sya..

Hihilingin ko sa tadhana na wag nang matapos ang araw na yun,




I was too young that time.

11 lang ako, pero alam ko na sa sarili ko na sya na yung gusto kong makasama pagtanda,

Dahil sya lang ang nagustuhan ko ever since.

At Ganun din sya sakin



Pero Pinaglayo kami ng estado ng buhay, at ng pinaka maling desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko

Ilan taon na ang lumipas pero nandito parin yung sakit,

Yung Guilt.

Yung pagkamuhi ko sa sarili ko.




Araw araw ko parin sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa kanya

Kay Gerard Pavillion, ang First Love ko
_____________________________________

Worth It To TreasureWhere stories live. Discover now