Chapter 4

95 10 5
                                    

-Chapter 4-

Sa school kinabukasan ay ramdam ko ang pagsingil sa’kin ng antok.

“Oh anong nangyari sa’yo paps?” tanong sa’kin ni Shaine pagdating niya sa table namin.

“wala akong tulog kagabi paps. Kainis lang,” sabi ko sabay tulog sa lamesang kaharap ko. Naantok talaga ako! Bad trip! Lutang na lutang ‘yung feeling ko ngayon.I need sleep for Pete’s sake! Bwisit kasi ‘yung kausap ko kagabi eh. Kung ano-ano kasing pinagsasabi.

Hindi na ulit ako kinulit ni Shaine. Alam niya kasi na kapag ganitong wala kong tulog madaling mag-init ang ulo ko at nagiging isnabera ako kahit sa kanilang mga bestfriends ko. Swerte ko lang talaga at naiintindihan nila ang pagiging moody ko. Halos tulugan ko na lahat ng klase namin ngayong araw. Minsan tinatanong ako ng mga professor namin mabuti na lang at nasasagot ko naman. Tinutulungan din ako nina paps at ate Nique kung may mga follow up questions na hindi ko nasasagot kasi nga hindi ako nakikinig dahil naghahanap ng tulog ang katawan at kaluluwa ko.

“ba’t di ka kasi nakatulog kagabi paps?” tanong ni Shaine sa’kin ng break time na namin. Nasa canteen kami ngayon at nasa usual table naming magbabarkada.

“di ko din alam,” pagmamaang-maangan kong sagot sa kanya. Matutulog na sana ako sa table ng magsalita ulit si Shaine.

“dahil ba ‘yan sa admirer mo?” nanunuksong tanong niya sa’kin. Pagkarinig ko sa sinabi niya ay kaagad sumama ang mukha ko. Naalala ko naman kasi ang taong salarin sa kakulangan ko ng tulog ngayon.

“hindi ah!” todo tanggi ko kahit gusto ko ng magwala dahil tama siya. But knowing my friends smile, sumalungat ako. Pero mas lalo lang lumapad ang mga ngiti ng mga ito.

 

“hindi daw, eh halatang guilty ka naman. Tsaka sabi sa’kin ni ate Nique nag-usap daw sila ni admirer mo,” dagdag pa ni Shaine. Kaagad namang napataas ang kilay ko.

“hindi ko siya admirer!” todo kontra ko pa din. “Ano daw ‘yung pinag-usapan nila?” hindi ko naman mapigilang itanong. Baka kung ano-ano na naman kasing tinatanong ng lalaking ‘yun kay ate.

“nakakatuwa ka talaga kapag naiinis paps.”

Imbes na sagutin ako ay pinagtawanan lang ako ni Shaine. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan kong ‘to. Swear. Bumalik na naman ang pagkaantok ko.

“ewan ko sa’yo paps,” sabi ko na lang. Tsaka alam ko namang hindi din sasabihin sak’in ni Shaine ang sinabi sa kanya ni ate Nique kaya ‘di na ako nagpumilit.

“pero ang sweet ni fafa Blake paps ha. Akalain mo hindi natakot sa’yo,” narinig kong sabi Shaine habang ako naman ay sinusubukang matulog sa mesa.

“hindi ‘yun takot kasi hindi pa niya ako nakikilala in person. Titiklop din ‘yun kapag nagkitanga kami personally,” sagot ko kay Shaine habang nakasubsob pa din ang mukha ko sa mesa.

“ay onga. Baka mag-back off din ‘yun. Ikaw kasi ang mean at hard mo sa mga lalaki,” sang-ayun ni Shaine sa’kin.  Hindi na ako nag-react kasi totoo naman ang sinabi niya. “Pero maiba ako paps, nakita mo na ba ang mukha nun?” maya’y narinig kong tanong ulit ni Shaine sa’kin.

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon