EPILOGUE

5.3K 183 27
                                    

A year and couple of months later...

“WALANG sisilip!”

    Natatawang hinawakan ni Jamaica ang piring na nakatakip sa mga mata niya habang hinayaan na niyang gabayan siya ni Rieley kung saan man sila dapat pumunta. “Ano na naman ba kasi ito, my labs?”

    “Surprise nga kasi, my labs. Wait lang.” Halatang excited ito nang mga sandaling iyon kaya hindi niya mapigilan ang ngiti niya.

    Naramdaman niya nang pinahinto siya nito sa isang lugar saka pumuwesto sa bandang likuran niya. “Are we there yet?”

    Sinagot nito ang tanong niya nang tinanggal nito ang piring sa mga mata niya. Napakurap siya sandali pero nang kumlaro na ang paningin niya ay napanganga siya. Nasa tapat sila ng isang bahay na talaga namang mamamangha ka sa ganda.

    Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita kaya hindi siya agad nakagalaw. Naramdaman niya na lang nang hilahin siya ni Rieley papasok niyon.

    Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang loob ng bahay. Agad niyang binuksan ang mga kuwarto at tiningnan kung tama nga ang hinala niya.

    Naitutop niya ang kanyang bibig. Naramdaman niya nang malayang tumulo ang mga luha niya dahil sa sobrang tuwa. Ang interior design ng naturang bahay ay ang idinesign niya noong college pa siya. Ang dream design niya para sa bahay na gusto niyang tirhan kasama ang kanyang magiging pamilya.

    “Surprise...” Malambing ang naging bulong ni Rieley ng salitang iyon sa may bandang tainga niya saka pasimpleng pinunasan ang mga luha niya. “Will you give me the honor of sharing this house with you and our future family for the rest of lives?”

    Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito nang mahigpit at mapaiyak. “Kung may kasamang singsing ang bahay na 'to, of course I will.”

    May hinugot ito sa bulsa nito saka isinuot sa kamay niya ang isang singsing. “Boy scout ako, my labs.”

    “I love you so much, my labs...”

    Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis saka mabilis na hinalikan ang mga labi niya. At tila hindi pa ito nakontento ay inulit pa nito iyon. “I love you too, my labs. Forever and ever. Amen.”
  

WAKAS

Caught Up In You (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon