CHAPTER EIGHT

3.5K 84 3
                                    

“SERYOSO? Sigurado ka bang hindi kayo nagpatayo ng modeling agency?” nanlalaki ang mga matang tanong niya kay Rieley nang makita ang mga kasamahan nito.

    Tinakpan nito ang mata niya na tinapik niya lang. Tumawa naman ang mga kalalakihan doon samantalang ngumiti lang ang babae.

    “Unfortunately, yeah,” napapabuntong-hiningang sagot nito. “Anyway, meet Keif, Lorenz and Miles. Guys, this is Jamaica.” Isa-isa nitong itinuro ang mga kasamahan nito.

    “So ikaw ang kapatid ni Aning?” tanong ng lalaking kapre na nakapagpa-starstruck sa kanya sandali dahil sa taas nito.

    Tumaas ang isang kilay niya. “So ikaw ang nababalitaan kong may gusto sa kapatid ko,” tila nanghahamong sabi niya.

    Tumawa lang ito saka sumeryoso. “Yeah, I like your sister. And for the record, I think he doesn’t deserve someone like her.”

    “Aba’t kung—” pinigilan siya nina Rieley at Miles nang sinubukan niyang sunggaban ang kapre. Sa kaloob-looban niya, may umudyok sa kanya na depensahan si Abe kahit papaano. Mas kilala niya kasi si Abe kumpara sa kapreng ito.

    “Shut up, Keif. Hindi ka nakakatulong,” saway ni Miles dito.

    “Lorenz, pagsabihan mo nga 'yang pinsan mo,” tugon naman ni Rieley na hinimas-himas ang ulo niya para kumalma siya.

    Natatawang tinapik-tapik naman ni Lorenz ang ulo niya. “She’s feisty. Hayaan mo siya Rie, para malaman ni Keif ang haharapin niya.”

    Humalukipkip lang si Keif. Mayamaya ay ngumisi ito at tumango na tila may sinang-ayunan na kung ano. “Magkapatid nga sila.”

    “Okay. Simulan na nating pag-usapan ang pinunta natin dito,” singit ni Rieley.

    Sumeryoso ang mga anyo ng mga ito at lumapit sa mesa. “Ayon sa report, apat ang natagpuang katawan within a span of six years. Pero...”

    “Pero ano?” bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang hindi niya magugustuhan ang susunod nitong sasabihin.

    “Meron pang dalawa na reported missing,” patuloy ni Keif na nanatiling nakahalukipkip.

    Nakagat niya ang ibabang labi. Pinipigilan niya ang sarili na maiyak. It was worse than she thought.

    “Ang M.O. niya ay ang mag-iwan ng itim na rosaryo sa crime scene...”

“It’s as if na nagsisisi siya sa ginawa niya.”

“More like isang bihilante ang hinahanap natin. And God knows what kung ano ang batayan niya ng tama o mali!” frustrated na saad ni Miles sabay wasiwas ng kamay nito sa ere. “So far, wala akong mahanap na ebidensiya na may kinalaman nga si Marco sa pagkamatay ni Delia. Maliban sa mga tsismis na matagal nang kumakalat, wala na akong ibang nakuhang impormasyon.”

“Pero imposibleng may kinalaman si Marco sa pagkamatay ni Delia!” protesta niya.

    Tumango naman si Miles at sumang-ayon. “Alam kong mahal nito si Delia, pero kailangan nating tingnan ang lahat ng anggulo.”

    “Ang sabihin mo, distracted ka lang sa ‘amo’ mo kaya—” Natigil ang panunukso ni Lorenz nang may lumipad na maliit na army knife sa gilid ng ulo nito at nanatiling nakatusok sa pader.

    Nakita niya nang pasimpleng inusog ni Keif ang upuan nito papalayo kay Lorenz saka napapailing na ngumisi. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya kay Miles at pasimple ding inusog ang upuan niya papalapit kay Rieley. Tatandaan niyang huwag gagalitin ang babaeng ito.

Caught Up In You (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon