CHAPTER TEN

3.9K 90 2
                                    

“WE’VE got a hold of the suspect at kasalukuyang tinitingnan ng mga EMT ang biktima. Dadalhin na siya sa pinakamalapit na hospital.” Matapos maibalita ni Rieley ang nangyari sa mga pulis ay nagmamadaling hinanap niya si Miles.

    “Rieley, wala dito si Jamaica,” balita sa kanya nito nang masalubong niya ito.

    Naudlot ang pag-uusap nila nang biglang sumulpot si Lorenz at tila nagmamadali ito. “Kasama ni Jamaica si Abraham. May nakakita raw sa dalawa na papalabas ng baryo.”

    Sandamakmak na mura ang sumagi sa isip niya. “Miles kayo na ang bahala ni Kief dito. Lorenz, samahan mo 'ko. Ipaalam mo na rin sa iba ang pupuntahan natin.”

    “May maliit na bahay sa may dulo ng baryo na napapagitna sa kakahuyan kaya hindi natin mapapasok ang lugar gamit ang sasakyan. Ilang metro ang lalakarin natin paloob.”

    “Alam kong may gusto kang sabihin kaya sabihin mo na,” aniya nang maramdaman na hindi ito mapakali.

    Napabuntong-hininga ito. “Pare, nabasa mo ang file ng suspect. The guy is a cold-blooded killer who manipulates and plays with his victim. We are on a mission at hindi natin kailangang maging emotional at magpadalus-dalos sa mga desisyong ginagawa natin—”

    Malakas na hinampas niya ang manibela. Hindi niya napigilan ang galit na gustong kumawala sa kanya. “This is personal, pare, kung ikaw ang nasa lugar ko gagawin mo rin ang ginagawa ko.”

    “Alam ko, pare. At kung ikaw ang nasa lugar ko alam kong sasabihin mo rin ang mga sinabi ko. Hindi ko sinasabi 'to para pigilan ka pero gusto ko lang maging klaro ang isip mo at hindi na para kang toro na nakakita ng pulang mantel.”

    Naiintindihan niya ang punto nito at hinayaan niya na lang ito. Nang narating nila ang pagitan ng dalawang baryo ay bumaba sila at nagsimulang tumakbo sa kakahuyan. May bakas ng daan doon kaya sinunod nila iyon hanggang sa masilayan ang isang maliit na bahay.

    Nakataas ang armas na sinenyasan niya si Lorenz na umikot sa kabila habang siya ay sa harap.

    Pumuwesto siya sa gilid ng pinto at nakiramdam sa paligid. Gawa lang sa magaang materyales ang bahay kaya mukhang makakahanap sila ng paraan para pumasok.

    Sinubukan niyang pihitin ang door knob at nang bumukas iyon ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Naging alerto siya para sa kung ano mang makikita niya. Maliit lang ang bahay kaya hindi sila natagalan nang matapos nilang isa-isahin ang mga kuwarto. Laking dismaya niya nang malamang walang- tao roon.

    Are they too late?

    “Rie, walang tao sa paligid, pero may bakas ng dugo sa labas ng banyo palabas ng bahay. Mukhang hindi pa nakakalayo kung sino man ang nag-iwan ng bakas,” balita sa kanya ni Lorenz.

    Biglang pumasok sa isip niya ang duguang anyo ni Jamaica at nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay biglang tumunog ang cell phone niya.

    Mabilis na sinagot niya ang tawag sakaling may balita na tungkol sa kinaroroonan ni Jamaica.

    “Rieley!”

    “Jamaica? Nasa’n ka? Ligtas ka ba? Pupuntahan kita diyan 'wag kang matakot.”

    Nang masigurong ligtas ito ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Dali-dali silang tumungo sa address na sinabi nito.

NAALIMPUNGATAN si Jamaica nang maramdamang may gumalaw sa tabi niya. Nang makita ang hindi pamilyar na kuwarto ay unti-unti niyang inalala ang mga nangyari. Inilibot niya ang tingin sa kuwarto saka sa suot niyang gown. Itinaas niya ang kaliwang kamay at nakitang nakabenda ang bisig niya. May mga galos din siya sa mga kamay at paa pero mukhang nilagyan na ng gamot ang mga iyon.

Caught Up In You (completed) Where stories live. Discover now