Mistake 12

120K 4.1K 1.1K
                                    

[Kabanata 12]

"P-paano mo nalaman ang kwentong 'yun? Ako at ang kababatang lalaki ko lang ang nakakaalam ng kwento ni Anton at Fely" gulat na tanong ni Audrey na nagpatigil din sa mundo ni Nightmare.

Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ng motorisklo si Nightmare, derecho lang ang tingin niya sa daan habang pilit na pinipigilan ang pagtagatak ng pawis sa kaniyang noo dahil sa kaba na makilala ni Audrey kung sino siya.

"Sino ka ba talaga? Siguradong hindi naman Nightmare ang totoong pangalan mo" hirit pa ni Audrey sabay hawak sa balikat ni Nightmare dahilan upang mapa-preno ito dahil sa gulat.

"Umayos ka nga ng upo, nawawalan tayo ng balanse" reklamo sa kaniya ni Nightmare na agad namang napaiwas ng tingin. "Hindi talaga Nightmare ang pangalan mo? Diba?" ulit pa nito, hindi naman siya kinibo ni Nightmare at pinaandar na muli nito ang motorsiklo.

"Wala namang matinong magulang ang magpapangalan ng Nightmare sa anak nila kaya naniniwala ako na hindi talaga Nightmare ang pangalan mo" patuloy pa ni Audrey. Muli silang sinalubong ng napakalamig na hangin.

"Hindi ba pwedeng maging pangalan ang Nightmare?" sarkastikong sagot ng binata, napataas naman ang kilay ni Audrey.

"So okay lang sayo kung magkakaanak ka someday ang magiging pangalan niya ay parang isang bangungot?"

"Oo"

"Seryoso ka? Hindi ba parang ang lupit naman kung bangungot ang magiging pangalan niya"

"Malupit naman talaga ang mundo"

"Ang bitter mo"

"Ang pakialamera mo"

Napabusangot na lang ang mukha ni Audrey dahil sa sinabi ni Nightmare na pakialamera siya. "Kapag nangingialam ako ibig sabihin nag-cacare ako"

"Ganyan ba talaga kayong mga babae? Ang hilig niyo pakialaman ang lahat ng bagay"

"Kapag hindi na namin kayo pinansin o pinakialaman, ibig sabihin wala na kaming pakialam sa inyo. Kaya hangga't nangingialam pa kami sa buhay niyo dapat pasalamatan niyo 'yun" tugon ni Audrey, hindi naman nakaimik si Nightmare, minsan lang siya magsalita at hindi niya ugaling magsalita ng mahahaba.

"Ganyan din ba kayong mga lalaki? Palagi niyo sinasabing kaya niyo kahit hindi naman. Nakakababa ba ng pagkalalaki kung aaminin niyong kailangan niyo kaming mga babae?"

"Ewan ko sa iba pero ako hindi ko kailangan ng tulong ng iba" sagot ni Nightmare, medyo bumagal na ang pagpapatakbo niya sa motorsiklo dahil papasok na sila sa teritoryo ng kanilang kampo.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa kampo, tahimik na ang buong paligid. Naabutan nilang kakababa lang ni Aling Coring sa motorsiklo habang inaalalayan ito ni Leon papasok sa loob ng bahay. Ipinarada na rin ni Nightmare ang sinasakyan nilang motorsiklo sa tabi ng bahay ni Aling Coring.

Hinubad na ni Nightmare ang helmet at bumaba na siya, naiwan naman doon si Audrey habang nakatitig sa kaniya. "Hindi mo pa pala sinasagot ang tanong ko kanina. Paano mo nalaman ang kwento ni Anton at Fely the falling star?"

"Narinig ko na 'yun dati sa mga bata dito" sagot ni Nightmare habang abala sa pagtanggal ng itim na gloves sa kaniyang kamay. "Imposible, ako lang at ang kababata ko ang nakakaalam ng kwentong 'yun" pagpupumilit pa ni Audrey, bumaba na siya sa motorsiklo habang suot pa rin sa kaniyang ulo ang helmet.

Napatingin naman si Nightmare ng derecho sa kaniyang mga mata. Tila nanigas si Audrey sa kaniyang kinatatayuan lalo na nang humakbang ang binata papalapit sa kaniya. "A-anong gagawin m-mo?" ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata ngunit naramdaman niya na dahan-dahang kinuha ni Nightmare ang helmet na nakasuot pa sa kaniyang ulo.

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon