18.

47 4 8
                                    


Ngayong gabi nakahiga lang ako. Wala kasi akong magawa at dahil sembreak gusto kong mag-update. Dahil sa pagmumuni muni ko may isa akong bagay na gustong ishare. Kagaya ng...


Paano ba nalalaman kapag inlove ka?

Sabi nila kapag inlove ka, hindi daw nila maipaliwanag yung feeling. Dahil daw parang bumibilis ang tibok ng puso nila tuwing nakikita nila ang taong iyon or kesyo parang may nagliliparang paro paro sa kanilang tyan kapag nakita mo na siya.

Pero ang tanong ko...

Paano malalaman kung totoong inlove ka?
Hindi ba pwedeng nagwapuhan ka lang sa kaniya nung araw na yon kaya mo nasabing inlove ka? Hindi ba pwedeng may sintomas lang yang tyan mo na ang akala mong paro parong lumilipad ay tawag pala ng kalikasan?

Hindi ko pa nararanasan ang mainlove. Madalas maraming nagsasabi niyan.

Ako.

Lagi kong sinasabi sa sarili kong magkakaboyfriend ako kapag nakapagtapos na ko ng college. Para kapag gusto naming magdate, hindi ko na iisipin pa na may assignment ako sa ganito ganyan o may kahati pa kami ng oras.

Ngayong nag-aaral ako, wala talaga akong balak mainlove. Minsan pa nga ay nagdududa na ang mga kaklase ko sa'kin. "Sino ba kasing crush mo? Ikaw lang ang kilala kong walang crush!" Lagi nilang pinaduduldulan na sabihin ko sa kanila ang lalaking natitipuhan ko.

Hindi ako bumabase sa itsura. Kase napatunayan ko sa sarili ko, kapag ako nagkakagusto sa isang lalaki, pangit man siya o mukhang kulogo, nagiging gwapo siya sa paningin ko.

Wala akong balak mainlove.

Pero mukhang nabali ko yata ang plano ko. Bigla nalang may nagred alert sa utak ko at biglang kumalabog ang puso.

Yung minsang usapan namin na small talk, hindi ko alam unting unting lumaki at sa huli ayaw ko nang matapos.

Sa akin na ata yung award na kaya kong titigan yung cellphone ko, mahintay lang yung reply niya.

Kaya kong lumaban sa antok makapagsabi lang ako ng simpleng g'night.

Minsan pa nga ay nagseselos ako ng walang dahilan kahit na hindi naman talaga kami.

Yung mawawala ka nalang sa mood bigla dahil hindi ka niya kinausap.

Pero mababawi lahat ng iyon sa tuwing pag-uusapan namin kahit nga walang kwentang bagay hanggang sa mauwi sa matatamis na pangungusap.

Isa lang ang masasabi ko.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa nanay ko na "Ma. Inlove na yata ako."

Tips para hindi mahalata ni Inay na humaharot na ang anak niya:

Una. Kapag nagchachat kayo ng kalandian mo, huwag ipahalatang napapangiti ka. Kasi kapag ngumingiti ka, nagdududa na kaagad ang isip ni Inay.

Kagaya nalang kapag sinabihan kang "Pangiti ngiti ka. Sinong kachat mo?"

Sagutin mo agad ng... "Wala ma. Natatawa lang ako sa memes na binabasa ko."

Pangalawa. Kapag pinakilig ka ni jowa mo, huwag mong ipapahalatang nasa good mood ka hija. Baka yung paglilinis ng bahay na hindi mo ginagawa ay gawin mo dahil nasa good mood ka. Magtataka si Inay nonnnnn.

Pangatlo. Kapag nag-away kayo ni jowa, huwag ipapahalata sa bahay na bad mood ka. Kabaliktaran ng pangalawa. Baka bigla mong sigawan si Inay kahit isang beses ka palang niya tinatawag.
Bugbugin ka pa ni Mader niyan.

Pang-apat. Kung hindi mo na kaya ang saya at kilig na nararamdaman, at bigla mo nalang nabanggit ang pangalan niya sa harap ng mama mo, aba'y mag-isip ka na ng palusot. Its either aamin ka na kay Inay or gagawa na naman ng alibi.

Panglima.  Kapag nagkagusto ka, gusto lang. Kasi marami sa aking nagchat na lalaki na kesyo daw nilalahat ng mga babae ang kalokohan ng mga lalaki. Like lahat naman ng mga lalaki manloloko yan!

Girl, Boy, vice versa. Kung nagawa kang lokohin ng jowa mong walanghiya, huwag mo namang idamay yung mga susunod pa na makikilala mo sa buhay. Each of us owns different personalities. Hindi porket niloko ka ni Karelasyon 1 ay lolokohin ka na rin ni Karelasyon 2.

Kaya dapat kapag gusto mo, gusto lang muna. Maghintay ka kase sa right timing! Kaya ka iniiwan eh.

Lima lang yung tips ko. Hindi naman ako eksperto para lahatin pa. Ayan lamang ay base sa aking karanasan na masarap mainlove pero mahirap.

Try niyo.

You'll learn the greatest feeling and at the same time excitement every morning you wake up but never forget the pain you will encounter that will reminds you that love placed beside the pain.

Spoken PoetryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora