11

125 20 0
                                    

Single

Isang salita na wala sakin pero meron ang iba.
Dalawang emosyon lagi ang nadarama
Una masaya.

Masaya kasi hindi ako nakatali sa iba
Masaya kasi wala akong obligasyon sa kaniya

Wala akong iintindihin kundi ang pagsikat at paglubog ng araw
Masaya kasi, Hindi ako mahihirapang magbigay ng regalo
Hindi ako mag-aaksaya ng panahon at oras na kailangan mo ko

Hindi ako maiistorbo,
Hindi madadagdagan ang araw at taon na dapat kong makabisado

Pangalawa nakakalungkot

Nakakalungkot na ang iba may bulalak na hawak samantalang ikaw...
Bumibili lang ng sariling ikasasaya

Na ang iba may naiuuwing ngiti sa labi
May taong laging nasa kanilang tabi
May taong susunduin at ihahatid sila pauwi

May taong..
May taong nandyan sa panahong hirap sila at nasasawi.

Habang tumatagal ang lungkot at sayang nadarama ay sa huli nauuwi sa inggit.
Makakapagsabi ka na lang talaga ng salitang 'sana'

Sana meron din ako kagaya nila
Sana may magtitiis din sa ugali kong mas bitter pa sa ampalaya

Sana may magbibigay din sa'kin ng halaga.
Sana yung ngiti ko para din sa kaniya

Sana may 'siya' na magsisilbing inspirasyon ko tuwing umaga..
Yung 'siya' na papakiligin ako at aawitan ng kanta.
Sana may 'siya' na para sa akin ay nakatadhana

Pero alam ko naman na...
Nandyan lang siya sa tabi at naghihintay
Na hindi lahat minamadali..
Kase kahit malungkot at maingit ka..

Balang araw may 'siya' may 'kami' at may 'taong' sasamahan ka sa lungkot at ligaya


Spoken PoetryWhere stories live. Discover now