14.

94 5 0
                                    

Wala na, Finish na.

Ako yung tipo ng tao na seryoso.
Kapag nagmahal ako,
Hindi nagbibiro, hindi rin naglalaro.
Kaya minahal kita ng todo,
Pero winasak mo ng todo ang aking puso.

Ginawa ang lahat para sa'yo.
Binigay ang oras ko, nagbigay din ng regalo.
Gusto ko laging ikaw ang nasa tabi ko,
Napapangiti kapag nakatingin ka, corny pero totoo.

Kaya nagtataka ako kung bakit biglang  nag-iba.
Langya! Wala na, finish na.
Nagagalit ako kasi bakit siya pa?
Umiiyak dahil baka nasayang lang ang samahan nating dalawa,
Parang kahapon lang nung tayo'y magkasama.

Babe. Hindi ako laruan na kapag nagsawa ka pwede mong palitan.
Hindi ka naman madaya pero bakit lahat ng aking binigay hindi mo kayang suklian?
Hindi ka isang file sa computer na mabilis idelete kasi mahirap kang kalimutan.
Dati sabi mo naaawa ka sa mga taong luhaan,
Pero bakit nung ako ang nagmakaawa naging matigas ang iyong puso't isipan.

Hindi ako kasing bait ni Moira Dela Torre na sasabihan kang malaya ka na.
Tama nga yata ang Ben and Ben, kung gaano kabilis nagsimula, ganon din katulin nawala.
Hindi ako iba, kase ako yung martyr sa kanta ni Tj Monterde na titiisin kong kumapit pa.
Babe. Gusto ko akin ka.
Gusto ko ako lang at hindi siya.

Dati masaya ako dahil bagay tayo.
Ngayon naalala ko, nasasaktan ako kasi tao lang din pala ako.
Naiinggit ako dahil dati sa'kin nakatuon yang mga mata mo,
Pero ngayon iba na ang sinisigaw ng iyong puso.

Hindi alam kung paano haharapin ang bawat umaga.
Kung paano kikilos nang wala ka.
Hindi ko kayang isipin na hawak ka na ng iba.
Na nakikita kang masaya habang katabi siya.
Hindi akong umintindi pati utak nabobo na yata,
Kase hindi ko kayang tanggapin na...
wala na, finish na.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now