2.

393 61 104
                                    

Nasan na?

Isang magandang relasyon...
Isang perpektong relasyon noong unang panahon...
Isang maligaya't masaganang tawa na tila sumasabay sa sayaw ang mga dahon.
Magkahawak kamay na lulusong at sasalubungin ang malalaking alon.
Isang relasyon na nagpapatunay na babangon tayo ng magkasama at aahon.

Pero anong nangyari sa napakagandang relasyon?
Anong nangyari sa perpektong relasyon noong unang panahon?
Nagising na lamang ako na mag-isa at hinahanap ka, tila hindi na makabangon...


Naalala ko, sabay tayong gigising at magpapalitan ng matatamis na lambing sa umaga.
Sabay na kakain at uupo sa harap ng lamesa,
Magkwekwentuhan sa mga bagay na lagi tayong napapatawa,
Iisipin na tayong dalawa ay ikakasal at magkakaroon ng masayang pamilya.

Tila buong mundo ay nakikisabay sa ating ngiti at ligaya,
Masaya sila sa relasyong ating binuo na para bang minana.
Isa na dyan ang kapatid, ama't ina, tiyo at tiya.


Naalala ko na tuwing malungkot ako, para bang nasasapian ka ng isang masiglang payaso,
Papasakitin ang tyan at aaliwin ako.
at sa huli, tayong dalawa ang magtatawanan na para bang hindi na sisinagan pa ng araw ang mundo.

Iiyak sa tuwa, kilig, lungkot, selos, aaminin ko lahat yan naramdaman ko.

Nakakatakot lang na baka ang alam nating tayo,
Biglang magbalik sa una na magkahiwalay pa ang salitang ikaw at ako.


Sobrang saya ng pakiramdam ko
Sa sobrang saya, siya nalang ang naging mundo ko.
Sa sobrang saya... Hindi ko namalayan na sa relasyon na to..
Ako nalang ang ngumingiti, tumatawa tila ang buhay ko ay hindi na kompleto.
Sa sobrang saya ng pakiramdam ko
Hindi ko namalayan na pagod ka na palang intindihin ako.


Saya na nagbibigay sa'kin ng buhay para maging makulay,
Saya na nagbukas ng puso't isipan kong ngumiti at magmahal ng panghabang buhay.
Saya na nagbigay sa'kin ng kaligayahan na nagturo para matututong magparaya at magbigay.
Pero ang saya pala na yun.. ay bigla nalang nalanta na parang gulay.

Naging madilim ang mundo na aking pinagmamalaki.
Nag-iisa, umiiyak, nag-iisip at unti unting nababalot ng takot ang aking sarili.
Natatakot na baka sa huli ay iba na at hindi ako ang iyong mapili.
Na sa huli ang masayang pamilyang pinapangarap natin ay sa panaginip na lamang mauwi.

Natatakot, kinakabahan, nanginginig at nagwawangis.
baka ang relasyon na ito ay maging tubig at langis
baka bigla mong tuparin sa iba lahat ng ating nais.
Sayang ang lahat ng hirap, pagtyatyaga at nasayang na pawis.
Hanggang sa nagsalita ka na at sinabi na 'sawa't pagod na ko' kasabay nang bigla mong pag-alis.


Nasan na ang taong laging nandyan para sakin?
Nasan na yung taong pinapasaya ang malungkot at galit kong damdamin?
Nasan na yung taong kasama kong tutupad ng aming pamilyang papangarapin?
Nasan na?...
Nasan na?...

Nasan na siya? ...
Na nagpupunas ng tumutulong luha mula sa aking mga mata,
Na nagtatanggal ng pagod ko sa tuwina,
Bakit mo ko iniwan bigla?
May nagawa ba kong mali na hindi ko sadya?


Yung taong tinatanong ko kung nasan na..
Nakita ko na siya
Biglang tumulo ang luha, tumakbo papalapit sa'yo at niyakap ka ng bahagya.
Niyakap kita dahil sa sobrang pagkasabik kong makita ka
Luhang umaagos na tila..
Tila isang tubig talon na walang tigil ang buhos sa saya at ligaya,
Nakita ko na..

Kaso nagulat ako nang ngumiti siya,
Ngiti na nagsasabing malungkot siya,
Lumapit ang babaeng hindi ko inaakala.
matalik na kaibigan ko pa ang pinili niya.

Dahan dahang napailing at nagmakaawa,
'Please, bumalik ka na mahal kita'
Pero ang tanging sagot niya lang sa malungkot kong mukha...

'Masaya na ko sa iba'
'Masaya na ko sa kaniya'

Napatawa ng wala sa oras habang nakikita ang mukha ng kaibigang humihingi ng pasensya,
Sabi na nga ba.
Yung kinakatakutan ko eto na,
Na magkahiwalay na ang salitang tayo,
Isa na lamang simpleng salita na ikaw at ako

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon