Chapter 28

182 8 3
                                    

May nagdoorbell. Binuksan ko ung pinto at nakita kong nasa may Gate si Andrew. Psh, anong kailangan nito. Binuksan ko na ung gate.

'Problema mo?' Bungad ko sakanya.

'Ikaw ano problema mo? Papasok huh' Nauna siya pumasok sa bahay.

Agooy naman ! >.< Pagkapasok ko ng bahay kita ko siya nakaupo sa sofa, umupo na din ako.

'Ano?' Sabe ko sakanya na tahimik na nakatingin saken.

'Anong nangyari sayo kahapon? Bakit ka umiiyak?'

'Hindi nga ako umiiyak nun.' napasandal ako.

'Dahil ba saken?' Agad niyang tanong.

Napaupo ako ng maayos sa gulat 'Ano?' after 5seconds na katahimikan. 'HAHAHAHAHA!!' Tumayo ako at umupo sa tabe niya at hinampas hampas ang braso niya 'Sino naman nagsabe sayo niyan? Grabe huh' Alam ko namang di mo malalaman un eh tanga ka e. u.u

'Si Gail.'

Napatigil ako .

'Ehh kasi baka daw nga may gusto ka saken kaya ka daw umiiyak, na magbabate na daw kame. Ganun'. Napangiti ako sakanya, umayos siya ng upo 'Sabihin mo? May gusto ka ba saken?'

'Huh?..' Napangiti ako 'Baliw wala, tamang hinala yang girlfriend mo huh. Wala kong gusto sayo'

Dahil mahal kita.

Mahal na mahal pero di mo maramdaman un kasi napakaretarded mong bakla ka. Nakakainis.

'Pero alam mo nung narinig ko yun, nung sinabi saken ni Gail na may gusto ka saken' Nilagay niya ung dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya at sumandal, sinundan ko siya ng tingin 'Parang natuwa ako'

Anong pinagsasabi nito.

Umayos siya ng upo 'Ewan, un ang naramdaman ko e, gusto ko lang malaman mo, gusto kong maging open sayo' Bigla siya napatingin saken at ngumiti.

'Pano kung sabihin kong mahal kita kaya hindi kita gusto. Matutuwa ka paba nun?'

Napatitig siya saken, unti unting nawala ang ngiti sa labi niya.

'Joke.' Napangiti ako ng malake, Sinampal ko siya ng mahina 'Joke lang, eto naman, napakaseryoso.' Tumayo ako 'Anong gusto mo? May tofu dito. Diba favorite mo un? Pagluto kita'

Nasa kusina na ko, naghiwa ng tofu at niluto ito.

Napangiti ako at napailing. Grabe sana sinabi ko na lang sakanya, pero pagsinabi ko wala din namang mangyayari, si Gail pa din ang mahal niya, si Gail pa din pipiliin niya. Siguro kailangan ko na talagang kalimutan ka.

Pagkatapos nun kumaen na siya, favorite eh, pero parang ang awkward. Ramdam niya din kaya un? Di siya kumikibo o tumitingin man lang.

Narinig kong tumunog phone ko. Punta ko sa may sala, sinagot ko ito.

'Hello Jake?'

['pede ba kitang puntahan jan saenu?']

'Ah oo naman, pedeng pede.'

binaba niya na ung phone.

'Sino un?' Singit ni Andrew na nasa likod ko na pala

'Si Jake.'

'Ano daw kailangan niya?'

'Ako, ako kailangan niya' Napangiti ako.

'Sus, landi lang'

'Psh, problema mo? Uwe ka na nga!'

Umupo siya 'Ayoko, dito lang ako. Babantayan ko yang Jake na yan, baka umiyak ka na naman eh.'

'Baliw!' binato ko ung throwpillow. 'Hindi nga ko umiyak nun.'

'Sus.'

May biglang nagdoorbell.

'Si Jake na un. Wait lang.'

'Di magkadaugaga oh.'

Di ko na pinansin sinabi niya, at lumabas na lang ako.

'Jake.' Binuksan ko na ung Gate.

'Fries oh' Inabot niya saken ung isang balot ng French Fries.

'Wow, McDo!' T.T 'Ang damee'

Mga tatlong large Fries.

'Para sayo lahat yan.'

'Pinapataba mo ba ko?'

Pinat niya ulo ko 'Hindi pinapasaya lang kita' Nagsmile siya.

Pumasok na kame sa bahay, nung nakita ni Andrew si Jake, tumayo agad si Andrew

'Pre' He offered his hand to Jake. 'Andrew' at ngumiti ito

Nakipagshake hands naman si Jake 'Jake' at ngumiti din siya

-----------------------------

Anong mangyayari? Abangan. :)

nga pala, You're free to suggest anything for the next chapter. :)

Iloveyou guys.

-Vote

-Comment

My Sweetest Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon