Chapter 14

161 8 3
                                    

'Ate, alam mo ba kung pano mo malalaman pag inlove ka na?' tanong ko kay Ate Michel.

di ko alam pero simula nung nakilala ko ulit si Andrew nakalimutan ko na ang salitang InLove. Siya ang may dahilan kung bakit nawala ang lahat ng saket na nararamdaman ko. Parang ako na to na walang naranasang masasakit na nakaraan, parang bago lahat saken.

'Bakit mo naman natanong?' habang umuupo siya sa tabe ko.

'Wala lang' Yumuko ako 

'Diba naInLove ka na dun sa BestFriend mo?' She smiled sarcastically. Gawd!

'Wala na un tapos na un. Parang kasing-- di ko alam parang ngaun di ko na ulit maalalang minahal ko siya. Someone Changed it.

'InLove na ba ang kapatid ko?'

'Kaya nga tinatanong kita kasi di ko alam nararamdaman ko. Ang weird. Di normal. Iba eh'

'Ako pa tinanong mo, ikaw at yang puso mo lang ang nakakaalam niyan' tinuro niya ang kanang dibdib ko. 'Sabi mo nga weird, at di normal. Siguro nagsisimula na yang puso mong tumibok pa lalo para sa taong yun. Kung sino man un. Kahit ideny mo ng ideny, at kahit sabihin mong 'hindi wala lang to' mararamdaman at mararamdaman mo pa din yan' pinat niya ulo ko at umalis na.

Speech kung speech. Pero

InLove na ba talaga ko ?

Pinatay ko na ung T.V at umakyat na ko sa kwarto ko.

Humiga ako at Kinuha ko si Boinky at niyakap ito ng mahigpit, tinaas ko siya.

'Boinky, naguguluhan na ko, pero ayoko. Ayokong---' hinug ko ulit si boinky '--malaman ung kung ano ba talaga nararamdaman ko sakanya. Aukong dumating sa puntong ako naman ung masasaktan, auko ng maulit ung dati.'

Ayoko ng masaktan.

Ayoko ng umiyak.

Ayoko na ng gantong pakiramdam.

Please lang, tong pakiramdaman na to eh parang pangkapatid lang. Please.

My Sweetest Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon