Chapter 7

190 9 3
                                    

12pm na ko nagising pero ang sakit pa rin ng mata ko. 

pagkagising ko naligo na ko agad, para guminhawa naman ang pakiramdam ko kasi di na rin ako nakapagpalit kagabi , nakatulog na ko buti sabado ngaun.

pinapatuyo ko ung buhok ko, ng tumunog ung Cellphone ko

'Sino kaya to?' tanong sa sarili.

Sinagot ko.

'Uy Nichiel, tara sama ka saken, may pupuntahan tayo'

'Andrew?'

'Puntahan kita jan sainyo'

'Ay te-teka' bigla niya binibaba ung tawag.

'Ay! Un talagang lalaking un. Ay wait pano niya nalaman number ko? Tsaka? HALA?! Hindi naman niya alam--'

Biglang may nagdoorbell, bumababa ako at binuksan ang pinto.

'Oh! HALA. Parang wala pang isang minuto un huh?'

Ngumiti siya nag pagkalakilaki.

'Tara na !' yaya niya saken.

'Anong tara na? Saan?'

'Kahit saan. Tara'

'Ay tong lalaking to! Kunin ko lang susi ng bahay.'

Pagkatapos kong kunin ung susi sumakay na ko sa kotse niya at umalis na kame

'San ba tayo pupunta?'

'Basta may papakilala ko sayo'

'Ohw. Lalaki?'

'Sira. hindi'

'Sus . Saan nga?' pangungulit ko.

'Maghintay ka'

'Eh san mo nakuha number ko?'

'Dun sa kaibigan mo?'

'Oh ? Si levi?'

'Oo.??' patanong niyang sagot.

'Si Cindy??'

'Oo?, basta silang dalawa.'

'Pano mo sila nakita?'

Nakikita kong naiirita na siya sa mga tanong ko kaya pagpapatuloy ko to. Yeeeh!

'Dun sa ano nga-'

'Saan?' napapatawa na ko.

'Sa school, wala na kasi ikaw nun eh'

'Ahh maaga akong umuwi nun e, napagod ako . Sobra. Ehh pano mo nalaman yung bahay namen.'

Bigla niya pinereno ng malakas ung kotse

'AHH!' hinawakan ko ung noo ko 'Grabe!'

'Tumahimik ka muna saglit okay? Tanong ka ng tanong eh. Ingay mo.' at nagsimula ulit siyang magdrive

Hahaha! Sabi ko na nga ba eh naiinis na siya. XD

5minutong katahimikan

'Saan nga tayo pupunta?'

Tinignan niya ko ng masama.

'Okay fine. Fine hindi na. Eh kasi sabi mo saglit lang eh. Izizip ko na ung bibig ko'

Tumingin ulit siya saken at ngumiti ako sakanya.

Pagtingin ko sa bintana. 

Sementeryo? Bat kame nandito?

Huminto kame, at bumababa na si Andrew kaya bumababa na din ako at sinundan ko siya sa paglalakad niya. Nakita ko siya tumigil, at pumunta ko sa tabi niya.

'Si Kyla' tinuro niya ung puntod ni Kyla.

'Ohw, hi, hi kyla. Nichiel ako'

Siya kaya ung tinutukoy niya nuon?

Umupo siya sa may damuhan, syempre umupo na din ako.

'Siya un, siya ung sinasabi ko sayo. Tsaka dinala kita dito kasi parang sobra ka ng naeestress halos isang buwan na din un.'

Ngumiti ako 'Salamat huh, maraming maraming salamat sa lahat .' tumingin ako sa puntod ni Kyla 'Alam mo kahit medyo nasusungitan ako niyan, dame niya ng naitulong saken, siguro kaw ung nagdala kay Andrew para maging kaibigan ko siya. Salamat din huh. Wag ka magalala di ko siya aagawan sayo-'

Binatukan ako ni Andrew.

'Oh tignan mo nangbabatok.. Kala ko nga siya ung Angel ko eh, hahaha! Retarded Angel. Pero siguro nga. Kasi alam mo lage siyang andyan para tulungan ako, kaya salamat huh binigay mo siya saken.,'

Napatingin siya saken.

'Bilang kaibigan.' dugtong ko

ngumiti siya at ginulo buhok ko.

'Angel?'

'Oo. Eh ganon tingin ko sayo eh.'

'Angel? Di mo pa ko kilala. Di mo kilala ang tunay na Andrew'

'Eh? Pe-pero kung ano nakikita ko sayo ngaun. Un ka.'

5pm , umalis na kame sa sementeryo at hinatid niya nako sa bahay namen.

'Uy salamat ulit huh. Marameng thankyou sa ginawa mo nakalimutan ko nangyari kahapon'

'hanggang kailan ka magthathankyou?'

Ngumiti ako 'Hanggat kaibigan kita'

'sus drama, bumababa ka na.'

'Oo na! Hmp'

Bumababa na ko at umalis na siya. 

Pagkapasok ko sa bahay .

'Sino un?'

'Oh ate Nica, andito ka pala!' hinug ko siya. 'Hi kuya Mark' nakita kong nakaupo sa Sofa.

'Nagdadalaga na si Nichiel, may naghahatid na ulit sakanya.' asar ni Kuya Mark.

'Oo nga pala no, asan na ung si Keith? Un bestfriend mo? Tanong ni mama na galing sa kusina.

'Ahh.. Un wala na patay na' sabi ko.

Pinatay ko na sa buhay ko

'Naku to talagang batang to' -Mama

'Eh si Ate Michell kailan magaasawa yan?' tanong ni Ate Nica.

'Nako, wala na atang balak yan e.'-Ako

'Anong walang balak? Hoy di pede yan huh.' -Mama

'Oo na Oo na , may nanligaw pero' pasweetams niyang sabi.

'Pero?' sabay sabay nameng tanong.

'Ehh ! Hindi pa ko ready!'

'Hala ! Tanda mo na di ka pa ready?' -Ate Nica

'IboboyFriend mo lang di ka pa ready?' -Ako

'Kung kailan ka tumanda ng ganyan di pa din ready?' -Mama

dapat magsasalita pa si Kuya Mark 'Hep! Wag mo ng ituloy..' sabi ni Ate Michell 'konti na lang, sasagutin ko na'

'Oh eh ayon naman pala e.' -Ako

'Sasagutin din pala.' -Ate Nica

'Edi kung ganun. Magsikainan na tayo'

'Oo nga kaen na, gutom na din ako' di manlang ako pinakain ni Andrew hmp!

'Oh halina na kayo, Mark , Nica' yaya ni mama.

Haays ! Ang saya pagganto. Siguro lalo pag andito si Papa at Kuya Enzo.

Sobrang matatanggal lahat ng saket pag may mga kaibigan at pamilyang handang sumuporta at magpasaya sayo.

My Sweetest Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon